Should I go 2nd hand ulit or brand new na?
Need advice lang from people na naka-experience na nito.
Previously, may 2nd hand Honda HR-V 2nd gen(Pre MMC) ako and I owned it for around 2 years. Okay naman siya nung una and feeling ko sulit yung pagka-buy ko, pero habang tumatagal sunod-sunod na yung repairs and replacements. Yung pinakamabigat is rack and pinion saka VSA module, and sobrang mahal nila ipaayos/palitan.
Eventually binenta ko rin kasi parang lagi na lang akong kinakabahan kung ano na naman susunod na masisira.
For context, single ako and technically kaya naman mag-accommodate ng monthly payments for a brand new car. Pero naghe-hesitate pa rin ako if worth it ba siya financially compared sa pagkuha ulit ng 2nd hand.
Ngayon torn ako if mag-2nd hand ulit ba or mag brand new na lang for peace of mind and warranty.
Sa mga galing sa used cars then nag brand new (or vice versa), worth it ba financially in the long run? Any regrets?
Especially sa mga naka older Hondas or crossovers before, kamusta experience niyo?