OA lang ba ako na nainis sa parents ko na hoarder
So last wednesday, lumiyab yung vacuum na ginagamit ko. Thankfully it didn't cause a serious fire. So ako normally I wouldn't use it na kasi fire hazard na. Nilabas ko na and told my parents na ibabasura na un.
Today, i saw na nasa mesa ulit and hindi sinama sa basura. So ni-question ko kung bakit nandun pa eh sira na nga. My parents told me na wag itatapon at pwede pa ayusin. Napamura ako at nainis ako. Sabi ko delikado na gamitin. Pero they are not listening to me so sinigawan ko sila told they na "PI niu naman, nakakainis kau, ang hilig nio gumawa ng problema" at nagwalkout ako.
Nanginginig ako sa galit now while typing this. I don't cuss at them pero today nainis talaga ako kasi alam ko na mas malaking problema pa if gagamitin pa ung vacuum na un. Hindi kami mayaman. If masunugan kami, saan na lang kami pupulutin. At alam ko ako mamromroblema na nun kasi ako lang may means to earn money. Plus ang dami na naming gamit dito na tambak kasi lagi nila sinasabi na "pwede pa ayusin yan" pero never inayos.