Ang hirap lumaki sa pamilyang walang nagturo kung paano magmahal
It's my 18th birthday today. Gets ko na noon pa na wala talagang magiging ganap kasi medyo tight talaga yung budget. Months before my birthday, pinaintindi na na hindi talaga afford ng debut. Walang kaso sa akin. Okay lang. Sabi ko maghanda na lang kahit kaunti.
Pero ngayon kagigising ko lang, walang tao sa bahay. Umalis na silang lahat para magtrabaho, at pumasok sa school. Ako lang naiwan at yung mga aso namin since incoming college ako kaya August pa pasukan namin sa PUP.
Akala ko kahit walang handa I would feel loved today. Pero tulad lang din pala to ng mga nakaraan kong birthday, I feel unloved. Wala manlang kahit bati sa messenger, may mga cellphone naman sila. Akala ko nasanay na ako sa ganitong pamilya, hindi alam kung paano magmahal, at mag express. Pero, I guess never talaga akong hindi masasaktan. Hindi naman sila ganto sa mga kapatid ko. Universal experience na ba talaga to ng mga middle child?
Buti na lang may mga aso kaming alam ko kahit hindi nakakapagsalita mahal na mahal ako. Today, I feel nothing but emptiness, as they always make me feel.
I don't blame my parents for not knowing how to properly love their child, kasi no one also told them how to. Sana sa susunod na buhay, I get to live a life full of love. And, sana sa next life, I get to see what being loved feels like.