u/Effective-Record-925

Gibson Les Paul

Naibibili ko ng gamot na mapakamahal si Mama at Papa.

Naibibili ko ng sapatos at uniporme ang mga kapatid.

Nabibigyan ng pambaon sa school.

Napapa utang ko ang kapatid ko na walang hinihintay na bayad.

Nabibigyan ko sila lolo at lola.

Naipa ayos ko ang bubong na may tulo.

Pero sa edad kong 31 years old, hindi ko man lang ma-convince yung sarili ko na bilhin yung pinapangarap kong electric guitar. As of checking 10k lang ang ipon ko. May insurance sa Prulife pero probably ang makikinabang din ay yung mga magulang ko kapag namatay ako. Nabura na din sa isip ko ang pag aasawa.

Lahat ng ginagawa ko para sa iba. Kapag inuna ko ang sarili ko, mababawasan yung pang budget sa ibang bagay. Ang hirap. Siguro hanggang pangarap na nga lang talaga yung unahin ang sarili.

Pero sana isang pangarap ko ang matupad. Kahit ito na lang. Kahit wag na yung gitara. Sana mamatay ako ng maaga. Yung tipong hindi ko na aabutin yung malulubhang sakit. Sana hindi na ko magising. Sana hindi na ako abutin ng 40 yrs old. Sana matapos na.

reddit.com
u/Effective-Record-925 — 15 days ago