
EAFS Upload Issue , Outdated Apps, BIR do something naman
Grabe talaga ang BIR. Problemado na naman ang mga taxpayers sa pag send ng mga attachments like sa eAFS. Tapos pag hindi naka submit ipepenalty. Ang malupit pa kada RDO iba iba ang approach sa issue. May ibang RDO na nagpost ng email nila sa mga social platform like Facebook na kung saan isesend nalang ang attachment, while yung iba wala naman announcement. Kagigil pa, may mga reels na post sa official facebook page nila na mga nagsasayaw na BIR employees, I know na pang humor lang pero grabe talaga.
Yung mga applications ng BIR pinaglumaan na ng panahon. Sinearch ko yung Visual Fox Pro kung saan gawa yung Alphalist validation app nila na pinapainstall sa mga tax payer, aba gulat ako, nung 2007 pa pala yun nadiscontinued, 2026 na ngayon.
Sobrang gipit na ba talaga ng BIR at walang pondo to upgrade yung applications at website nila?