What to do?
May utang yung mama ko sa isang tao (5/6). 20k yung capital niya then 3k ung tubo linggo linggo. Nagpatong patong na yung tubo for 3 weeks since nagkaron kami ng medical emergency. Gusto na ipabalik nung tao lahat kasama capital sa ngayon 10k lang hawak kong pera ayaw niya tanggapin gusto niya kunin ng buo ung capital at ung naipong tubo papayag daw siya na kunin ung 10k pero patuloy pa rin sa pagtubo linggo linggo. Hindi ko na alam gagawin ko kasi baon na baon na kami sa kanya parang hindi na kami natatapos. Sinusugod niya na kami sa bahay at nag iiskandalo. Pinagmumura niya rin si mama sa message at pinopost sabay mention sa aming pamilya. Sinabi ko na sa baranggay nalang kami mag usap kasi di ko na talaga kaya dahil ako ang nagpoprovide sa bahay at ayaw niyang pumayag na itigil ung tubo at gusto niya na ibalik na ung buong capital.
(Sa 3 weeks na naipong tubo hindi yon buo. 3k ung tubo madalas 1500-2000 lang ung naihuhulog ko)
Anong pwede kong gawin?