u/Gullible_Salary_4447

GLoan

Hi! Please bear with me kasi medyo mahaba yung full context pero if tinatamad ka talaga magbasa baka ma gets mo naman pag nag jump ka sa last paragraph. I have a few questions sa dulo.

So may OD ako sa GLoan for 2 or 3 months na. Tatlong loan yon, nasa 15k mahigit ang total. Each loan is nasa 5k. Nag first warning na sakin yung Fuse and nag reach out naman ako sa kanila tapos nagkaron ako ng ticket sa GCash. I tried to talk to them to extend my deadline since I'm just a student and self-employed ako tapos I have to pay for my living expenses din. I sent them a hardship letter, then nanghingi ng details yung agent sa GCash and asked me why they should extend the deadline. So, inulit ko lang yung sinabi ko about the money problem. Hindi na sila sumagot, so hinayaan ko muna since aantayin ko nalang sana kung anong pwedeng gawin ko. Biglang nag-email uli sakin yung Fuse Lending so sinabi ko na nag reach out na ako sa GCash din about don pero walang sumasagot sakin. Nag try ako mag follow up uli sa agent pero hindi na ako makapag send ng message so I was worried kung na close ba account ko because of my balance.

Sabi sakin ng Fuse, bayaran ko lang daw yung mga due ko for today. So, I told them na wala talaga akong money today na hawak since ang dami kong bayarin. I told them na I have 1k and if that would be alright. And sabi send ko raw receipt of transaction. Nagulat ako nung pinindot ko sa account ko yung GLoan, "Something went wrong" nalang lumalabas. So, hindi ko alam if may problem na talaga sa account ko since hindi ko nga rin ma contact na yung agent sa ticket ko kahit naka open naman siya. Then, nag try ako mag send gamit yung isa kong account sa GCash na hindi verified don sa main account ko na may pending loan, just wanted to check if mag a-auto deduct ba para magpapasok nalang ako ng money don from time to time pero until now, nandon pa rin yung 50 Pesos na sinend ko.

Nagbayad nalang muna ako sa Fuse Lending gamit yung other account ko. So, gusto ko malaman if hindi na ba mag a-auto deduct sa main account ko yung loan kasi napasa na nila sa third-party collectors kahit first warning palang naman sinend nila sakin. As in 1 day pa lang since that email.

Iniisip ko kasi if gagamitin ko pa main account ko sa GCash and let them auto deduct the loan pero hindi na siya nagkukusa and hindi ko na rin ma open yung GLoan. Hindi rin ma access yung ticket ko. Or kapag nag send ako ng malaking amount don sila magdededuct? Does this mean sa Fuse Lending na ko lagi magbabayad for my remaining balance?

Thank you sobra sa mga sasagot! 🥹

reddit.com
u/Gullible_Salary_4447 — 6 days ago