So I'm currently in a situationship (labelled as getting to know) with a "Trentahin", three years lang naman yung gap namin and initially ine-enjoy ko lang kung saan kami dadalhin ng agos. Nagstart siya as two individual na galing sa break up (siya long term, ako short but somehow traumatic), lagi kaming down sa sponti na gala. But now I'm slowly getting pulled in.
To make it short na lang, here are the bulleted points.
- 2 months pa lang kaming naguusap pero, nakapagtravel, explore and date na kami ng roughly 20+ times. Yes may mga out of town trips ito.
- Gastos sa mga gala, give and take kami sa foods and KKB when the fees are high(other expenses). Pero based on my memory, parang mas marami siyang nalibre sakin sa foods.
-Hinahatid and sometimes sinusundo niya ako sa bahay pag lalabas kami, at first nakikihati ako sa gas niya, but as time progress tinatangihan niya na ito.
-Gabi-gabi kami makausap via call, and pag namiss niya ako he usually go out of his way para lang puntahan ako sa bahay (despite the fact na nagkikita naman kami tuwing weekend)
-Tuwing nagl-long ride sila, lagi siyang may dalang pasalubong for me. Kinikilig ako dito kasi random ko lang sinasabi sakanya, pero naalala niya. Like naglong ride sila sa Pangasinan tapos binilhan niya ako ng tupig kasi naalala niya na cravings ko yun.
-He buys me random things kasi naalala lang niya ako. Naalala rin niya yung small details about me (order ko sa jollibee, favorite drink ko, etc).
-Wala kaming ganap pero nak-kiss na kami (peck lang), holding hands, he feeds me pag kumakain kami sa labas. Also random pero mas trip niya na magkatabi kami kumain kasi mas gusto niya na malapit ako.
-He expressed himself na gusto niya ako ligawan and may feelings na, pero hesitant siya kasi ayaw niya makita ako ng mga tao as "rebound" and di pa siya ready harapin yung ganong sitwasyon. (This is actually the part na nagstop sakin, kasi wdym).
I'm usually logical na tao pero I can't help na ioverthink yung last part, kasi yung actions and ganap na nilist ko, simula lang yan. Hinde ako yung type na nagb-beg for clarity, sabi ng mga girl friends ko normal yan and just give him time. I just want to ask a male perspective especially yung mga nasa edad na, akala ko wala na tayong time para sa mixed signals but ig not? HAHAHAHAHA