r/BataanConfessions

▲ 1 r/BataanConfessions+1 crossposts

Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-explain yung nangyari sa ancestral house namin sa Bataan.

Share ko lang ’to kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-explain.

Noong 2016, college pa ako at mag-isa akong nakatira sa ancestral house namin sa Bataan. Matagal nang may kuwento sa pamilya namin na may mga dwende raw doon. Hindi ko alam kung naniniwala ako, pero dahil lagi akong mag-isa, minsan kinakausap ko sila out of curiosity.

Isang gabi, pinatay ko na yung ilaw, humiga ako, at pumikit. Ilang segundo pa lang, bigla akong nakaramdam na parang may mabigat na tumalon sa kama. Hindi simpleng umalog yung higaan—talagang ramdam kong may lumanding.

Sa sobrang gulat ko, binuksan ko agad yung ilaw.

Walang tao. Walang hayop. Wala talaga.

After nun, lalo akong napaisip kung may nakatira nga ba talaga sa bahay na ’yon. Hanggang sa isang araw, pabiro kong sinabi habang mag-isa ako:

“Kung may dwende talaga dito… buntisin niyo nga ako.”

Months later…

Positive yung pregnancy test ko.

Mas lalo akong kinilabutan noong ipinanganak yung baby ko. Pointed yung ears niya, parang elf. Hindi ko maiwasang maalala yung sinabi ko noon. Pinatapalan namin yung ears niya noong newborn pa siya kaya naging normal naman ang shape habang lumalaki.

Alam kong may medical explanation sa pointed ears, at hindi ko sinasabing connected talaga yung dalawang pangyayari.

Pero hanggang ngayon, kapag naaalala ko, kinikilabutan pa rin ako.

Coincidence lang ba talaga… o may ibang nangyari sa bahay na ’yon?

May naka-experience na rin ba ng ganito, lalo na sa mga lumang bahay sa Bataan?

EDIT: Currently under full renovation na yung bahay na 'to. Siguro kaya ko rin naisipang i-share — marami akong memories ng childhood doon, at parang gusto ko lang ma-document bago mabago na ang lahat.

reddit.com
u/Rich-Equipment-7577 — 10 days ago

Para sa isang pastor sa Pilar, aware naman po siguro kayo sa edad niyo. Please lang, wag na kayong magchat sa mga batang dalaga. Pastor kayo, pinapalaganap niyo yung salita ng Diyos tapos ganyan ginagawa niyo? Magbago na po kayo.

reddit.com
u/Express_Bread_2624 — 8 days ago
▲ 14 r/BataanConfessions+1 crossposts

Libre lang magpakita ng kabutihan sa kapwa

Bakit ang daming power tripping dito sa Bataan? Matindi rin yung discrimination dahil kapag may suhol ka o pabigay, mabait sila sayo at iaassist ka pero kapag wala, masungit at parang walang ganang tulungan ka. Bakit kaya ganto? Trabaho niyong tumulong sa mga tao. Kayong mga nagtratrabaho sa ospital, ambulasya, school at government.

Libre lang naman maging mabuting tao. Bakit ang sama agad ng bungad niyo sa mga tao? Hindi lahat ganito pero nakakagalit na talaga at nakakawalang ganang mabuhay dahil sa inyo.

Yung mga registrar sa school, hindi kasalanan ng estudyante na marami kayong ginagawa dahil kinakailangan niyong magmano mano minsan dahil sira lagi yung system ng portal. Sisihin niyo yung namamahala sa school, wag niyong ilabas yung stress niyo sa mga estudyante.

Yung mga teacher, totoo naman nakakagalit ang mga estudyante lalo na kapag makulit pero sapat ba yun para murahin niyo sila at ipahiya sa maraming tao?

Yung mga estudyante rin, kung alam niyo naman sa sarili na poor performance ang pinapakita niyo, tanggapin niyo na lang nang walang galit yung grades na binigay sa inyo lalo na kung justified naman. Di kayo pumapasok sa klase tapos binigyan kayo ng 2.5 na grade, nagagalit pa kayo? Buti nga hindi kayo binagsak at drinop eh. Lalait laitin niyo pa yung teacher, ieedit yung pictures niya at kung anu-anong masasamang salita sasabihin niyo sa kanya sa gc niyo. Matuto kayong rumespeto.

Sa mga nagtratrabaho sa ambulansiya, hindi ba trabaho niyong tumulong sa mga tao at sumagip ng buhay? Bakit ang titindi niyong magpower trip porket alam niyong walang ibang way yung mga tao?

Yung mga nagtratrabago sa ospital, may sakit na yung mga pasyente at stressed na rin sa bayarin. Kahit na sabihin niyo pang walang bayad sa ospital, gagastos pa rin yan sa mga gamot. Bakit kapag alam niyong salat yung pasyente at walang titulo o connection, masusungit kayo at parang walang ganang mag-asikaso?

Yung mga nagtratrabaho sa gobyerno, hindi lahat ng tao pantay pantay. Yung iba hindi nakapag-aral at no read no write. Kung nagtatanong sa inyo kung paano yung gagawin, napakalaking abala pa talaga na magturo o magsabi sa proseso ng gagawin lalo na kung wala namang masyadong tao? Wag niyo naman ipamukhang bobo yung mga tao dahil lang sa di nila alam yung mga bagay bagay. Lahat may first time. Sa una lang di alam at nalilito.

Ganon ba talaga kahirap magpakita ng kabutihan sa kapwa ngayon? Nakikita niyo naman siguro yung mga balita. Puro kasamaan na at nakakatakot nang mabuhay sa mundo. Sana maging mabait naman tayo sa mga kapwa natin. Sa ganitong klaseng mundo na napakalupit, masisisi mo ba bakit ang daming may depression ngayon?

reddit.com
u/Express_Bread_2624 — 10 days ago

Retroactive.

22/F

hi my girlies! i have kwento abt me and my boyfriend. so yesterday lumabas kami ng boyfriend ko and may napag kwentuhan kami abt his ex. ako naman ang nag open i told him na nakita ko yung post ng ex niya na namatayan yung ex niya btw legal sila both side kaya kilalang kilala ng bf ko yung fam ng ex niya. after nung kwinento ko sa kanya parang nakita ko sa face niya na nag worry siya sa ex niya or sa family niya? idk huhu tapos inistalk niya pa yung fam nung ex niya, hindi ko alam yung irereact ko since ako naman yung nag open.

another kwento, nag open ako sa ex ko na bakit yung mga pics namin like photobooth tinatago niya, tinatago niya sa loob ng cabinet niya yung pics namin. pero yung sa ex niya dinidikit niya pa sa wall niya sa room niya. ang katwiran niya naman sakin hindi naman daw siya nakakapag ayos ng room niya, at hindi daw siya palaayos ng room niya. (iba na pala yung room niya hindi na yung dati) pero valid ba siya? hahaha

and pansin ko lang din na ibang iba yung love niya sa ex niya unlike sakin. btw 3 years din sila ng ex niya. idk what to feel or baka tinatamaan lang ako ng retroactive hahahaha 😩

PLSSS HELP ME

reddit.com
u/SituationPure847 — 12 days ago

lf f4f friendssss

I’m doing my thesis atm badly need a breather in between and someone to talk to. i get burn out too easily. looovvveeee deep talks or anything random!

about me: 26, 5’5, i draw&paint sometimes , i love coffee, pop culture and watching movies/tv series, (recently broken over wlw situationship)

about u: 25-28 & just be yourself:)

hmu!!

reddit.com
u/sinag_1989 — 11 days ago

places to go to in bataan

hello! anyone have any suggestions saan magandang pumasyal dito sa bataan? preferably around balanga lang sana pero if may outside balanga na malapit okay lang din po. bibisita kasi ldr partner ko and gusto ko sana sya maigala tho one day lang sya here so i want to make to most of the day. thank you po sa makaka sagot!!

reddit.com
u/dachuu_akuatsu — 11 days ago

Looking for New Friends!

Hi 21F, Looking for some new friends, gusto ko makipagsocialize sa ibang tao para magkaroon ng bagong hobby and everything nice. HARD PASS SA NAGAALOK NG FWB/FUBU.

reddit.com
u/Adorable-Dig-5862 — 14 days ago

Saan may affordable and reliable derma sa balanga?

Hi! I'm looking for an affordable and reliable dermatologist. 🥹

I'm planning to start isotretinoin, so I'm looking for a derma who can provide a consultation and prescription. Preferably someone who doesn't require patients to buy the medication from their clinic, since I'd like the option to purchase it elsewhere. Thank you!

reddit.com
u/breakeveeen — 13 days ago