r/MomSupportPH

▲ 1 r/MomSupportPH+1 crossposts

Where to pasteurize breast milk?

Hello po. Nasa title na po question ko hehe. Gusto ko po kasi ipa-pasteurize ang breastmilk ko kasi nagkamali ako ng way kung paano linisin pump ko. nakapagpump na ako ng at least 60oz nung narealize ko possibly contaminated yung breastmilk kasi hindi ko nasterilize yung breastpump ko. Please don't judge me, sobrang pagod po ako. Nasasayangan ako kasi matinding pagod at puyat yung pagstash nun 😭

reddit.com
u/caljoaq — 11 days ago
▲ 6 r/MomSupportPH+1 crossposts

Any thoughts about washable diaper or training pants?

We are planning to lessen the use of diapers for our baby and came across washable diapers or training pants. Parang makapal na tela sa wiwi area to avoid leak but I am not sure if this is safe for our LO. She's turning 17months. Any thoughts or suggestions?

reddit.com
u/XhandriaExelleria — 12 days ago

Masama loob ko sa partner ko.

Mama’s boy ba sya? Masama po kasi loob ko sa partner ko, and hindi nya alam. Need ko lang po ng advice mga mommies. Valid ba tong nararamdaman ko or sensitive lang ba ako? 🥺

I (28F) am a single mother with a 4 year old daughter. Mom ko (SAHM/housewife) ang tumulong sakin na magpalaki sa anak ko since need ko matapos ang few courses ko sa post grad. Ang dad ko naman ay working abroad. May work ako before and ako ang nagpapaaral sa sarili ko ngayon.

Ngayon po meron akong boyfriend (30M), and 4 months pa lang kami nung nabuntis ako. Boy ang gender ng second baby ko. 8 months na po ako ngayon. Kilala ko na sya since high school, di lang close masyado. Hindi kami married.

Mabait, responsible, and family oriented naman si bf. Ang problem ko, ramdam ko na gusto ng bf ko and ng parents nya (lalo na ng mom nya) na doon kami sa kanila magstay at sila ang magalaga sa apo nila. Ok naman sila sakin, kaso hindi ko pa sila sobrang kilala kaya sa tingin ko mahihirapan ako mag-adjust and hindi talaga ako comfortable. Though di ko naman cinoconsider na doon talaga magstay sa kanila, naisip ko lang na syempre isasama ko ang anak kong babae kung saan man ako. Kaso hindi ako kampante na ibang tao ang magaalaga sa kanya kahit na may katulong sila na pwedeng tumingin. Mas trusted ko pa din talaga ang mother ko.

Although nagpapakita naman ng pagrespeto ang bf ko sa parents ko thru pasalubongs, napansin ko na hindi sya nakikipaginteract masyado sa family ko, tulad ng pagdalaw para makipagbonding sana or kwentuhan. Pero pag ako naman ay madalas akong nasa kanila dahil nagbibigay talaga ako ng effort sa family nya, natutulog pa nga ako doon.

Dahil dito parang unti unting napapalayo ang loob ko sa kanila dahil hindi man lang nila ako tanungin sa decisions ko. Basta basta na lang sila gumagawa ng plano. Like, gusto ng family ko na pumasyal kami kasama ang bf ko maybe next year, 1 year old na nun ang baby boy ko.. sinasabi ng bf ko na wag muna since wala pa naman memories sa ganung edad, kahit mga 7 na daw dapat. Pero pag sya naman daw ay dadalhin nya ang bata sa bundok pag naging 1 year old na. Also, kung magkwento sila about mga outing and galaan ng family and relatives nila kahit below 7 y/o pa lang sila ay sobrang tuwang tuwa sa mga memories. Pag ako naman ang nagkkwento sa kanila, minsan cinucut ako ng mom nya na parang sya naman magkwento. Syempre bilang respeto, makikinig na lang ako sa kanya.

Ilang beses ko na kinausap partner ko na sa amin ako titira pagkapanganak, okay naman daw sa kanya pero minsan nagpaparinig sya na sa kanila titira ang anak nyang lalake. Feel ko tuloy na mas pinipili ng bf ko ang happiness ng parents nya kaysa sa comfort ko at ng mga anak nya. Parang nagbuntis lang ako and sinacrifice ang katawan ko para magkaroon sila ng anak at apo. Gusto ko din kasi na maging close ang anak kong dalawa kaya mas prefer ko talaga na magkasama muna sila dito sa bahay namin.

May one time din na after magdinner sa kanila, kasama ko ang anak kong babae… narinig kong nagmu-mutter silang magasawa after nilang makita na may parehong mga kagat kami ng lamok ng anak ko. Feel ko tuloy okay sila sa harap pero pag sa likod may sinasabi.

Parang nawawalan na ako ng gana sa totoo lang mga mommies. Siguro pati na rin nung nalaman ko na wala naman talaga syang plan na magpakasal nung una. Pero ngayon nagsasabi sya na gusto na nya magpakasal, kaso wala naman assurance din. Di rin maalis sa isip ko na sinabi nya sakin na magbabago lang sya para sa anak nya at hindi para sakin, dahil pinapahinto ko sya sa bisyo nya na vaping at pag inom. Wala kasi sa family namin ang may bisyo.

Tapos ngayong magpapa baby shower kami. Biglaan na lang nya ako sinabihan na magplan ng baby shower. Intimate celebration lang daw. Sinabihan ko sya na bakit now lang kung kailan 8 months na ako, sana nakapag prepare nang mas maaga aga (Noon ko pa kasi sya sinabihan, pero di ko na pinilit kasi nahihiya din naman ako sa kanyang gumastos). Ang sagot nya sakin ay hihingi na lang daw sya ng ideas sakin. Naisip ko na baka mag take-over yung family nya sa pag plan ng baby shower (or baka baka nagooverthink lang ako), na gusto ko sana ako ang magplan noon pa lang dahil baby boy namin tong dalawa.

Sensitive lang ba ako? Valid ba itong nararamdaman ko? Parang hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko sa kanya, kung nafafall out of love na ba ako. Parang pilit na lang kasi lahat 🥺 Masama ba akong nanay kung ganito ang nararamdaman ko?

reddit.com
u/mariestrawberrie — 12 days ago