[UPD] ENG 13 - Raymond Falgui
Magta-Tagalog ako kasi hindi naman s'ya maalam sa Tagalog. Ikaw na bahala mag-decode nito, sir.
Mahusay magturo. Noong una, hindi talaga ako mapalagay sa kaniya -- dahil na rin sa mga reviews dito sa Reddit at pati na rin sa pagiging istrikto n'ya. Bawal cellphones, ang mga gawain ay dapat handwritten, walang digital references ng mga takdang babasahin. Pero kinalaunan, ayos lang naman. Madalas late s'ya pumasok, halos 45 minuto na ang lumipas. Okay lang naman dahil may iniinda s'ya noon at pursigido pa rin magturo. Ang daming alam. Ang daming fun facts. Digestible ang mga babasahin, kailangan basahin talaga at pasensyoso si sir. Ayaw lang n'ya ng ni-isa walang nagbasa. Pero ipapaliwanag, at magj-joke s'ya na pang Western (ewan ko!! hahaha). Basta very old white man talaga s'ya na funny naman.
Sa handwritten na mga gawain, anim o pito lang naman sa buong semestre, ang haba ay para sa isang pahina ng kwaderno lang kaya ayos lang. Yung dalawang printed na final paper, yakang-yaka naman. Medyo mataas ang pamantayan kaya mahirap makakuha ng mataas na marka.
Maganda naman ang set-up. Kada linggo, isang physical meeting at online consultation para sa pagbuo ng final paper. Maayos naman ang konsultasyon.
Ang akin lang, sana pag-aralan n'ya rin ang paggamit ng digital platforms sa pagpapasa ng mga gawain. May mga kwaderno na nababasa, nawawala nang ilang linggo na tila diary sa Mara Clara. Minsan huli na rin kung mag-abiso kung makakapasok ba s'ya o hindi. Tapos yung mga papel na pilit niyang ipinapapapasa sa Acacia, linggo bago mo makuha pabalik. Eh may inaasahan ngang revision para tumaas sana ang marka, ayun wala na. Tapos, imbis na sa Hunyo 3 sana matatapos ang semester, Hunyo 8 pa kami natapos dahil sa mga papel na hindi nya makuha-kuha sa Acacia.
Sa Google Classroom, hindi aktibo sa pagsagot ng mga hinaing ng mga mag-aaral. Kung magtatanong ka sa ano bang papel ang dapat ipasa bukas, saan ba ang kwarto nya sa Acacia, kung pwede pa ba magpalit ng paksa, o kung natanggap na nya yung papel namin -- araw ang aabutin bago s'ya sumagot.
Okay naman s'yang maestro. Mahusay. May pagkukulang lang talaga sa pagtugon sa mga mag-aaral. Hindi ko na alintana anumang marka ang makukuha ko sa Eng 13. Basta tapos na ko rito sa GE na 'to. Utang na loob
Kung ako man ay judge sa MGI All Stars: Jesus Christ, that's an 8.6! Keri ka lang naman sir sana gawan mo rin ng concept paper yung pag-utilize ng online platform sa mga outputs namin.