r/SpookySerye

▲ 17 r/SpookySerye+1 crossposts

Nagalit ba yung bantay nya?

LONG POST AHEAD.

So I have a younger cousin na pinatuloy ko sa condo naming mag asawa bago magstart sa school this year para kako makaipon sya ng pambili nya gamit dahil binibigyan ko sya.. So tong bata na ‘to laging may kinekwento na may nilalang na laging nagpapakita sakanya sobrang itim daw na nilalang na nakakatakot talaga itsura and may kwento pa nung bata pa sya ay kinuha sya ng aswang and pinuntahan lang daw yung ng lolo namin para maibalik sya. tapos growing up parang lagi daw un nagpaparamdam saknya lalo na kapag magbbday sya o may pinagdadaanan.

So ayon na nga, Pinauwi ko tong si cousin kasi nawalan ako ng money and somehow connects to her.. So nagagalit ako kasi Ive been nice and spoiled her pero kinupitan parin ako. So nababanggit ko parin yung inis ko sa pinsan ko from time to time kasi inis nga ako.

Tapos nung umuwi ako sa bhay ng parents ko kung san sya nakatira, di ko sya pinapansin ng tulad ng dati.. Tapos yun na nga..

Paguwi ko ng condo namen na nagstart tong mga weird na nangyayari saken. AS IN sakin lang.

Nagstart sa nga insects na bigla lilitaw sa condo, we are on 30th floor btw and malinis kami so pano magkakaron ng bangaw sa loob.. May times din na bigla nalang gagalaw yung mga gamit sa sala. If you are familiar with smdc condos magegets mo na maliliit lang ang rooms kaya rinig mo if may nagalaw sa loob.

One time, aalis husband ko kasi may meeting sya but before umalis hinahanap nya yung yosi nya, talagang hinalughug namen yung sala at kwarto namen kasi kabibili lang non at di pa nabubuksan. Pati sa sofa pinaggagalaw na para lang mahanap pero wala. So hinayaan na ni husband at umalis, ako lang naiwan non. Nakahiga ako sa sofa that time at nakaramdam na need ko umihi kaya tumayo ako, pagtingin ko sa sofa nasa tabi mismo ng hinihigaan ko yung yosi! Parang nanlaki ulo ko non sa takot. Kaya ang ginawa ko lumabas ako ng balcony para dun nalang antayin asawa ko kasi natatakot na ko. So ayun 20 mins na ansa balcony ako yung door ng cabinet namin biglang humampas sa pinto ng balcony eh glass yon.

Eh kung nahulog sya dapat paraharap ang hulog pero hindi parang hinila sya patanggal sa cabinet tapos binato sa pintuan. Mas lalo akong kinilabutan non! Kaya inantay ko hanggang makauwi na ang asawa ko.

That time iniisip ko na baka nababaliw na ako. Kasi ako lang ang nakakaramdam kasi di nararamdaman ng asawa ko at nung friend ko na hinehelp ako sa bahay. Tapos, parang inaantay talaga na magisa ako sa condo saka don magpaparamdam saken o kaya tulog na mga kasama ko.

isang madaling araw, lala ng insomnia ko non nung biglang gumalaw yung sliding door ng kwarto namen. Mind you doors ng room ng smdc condo gagalaw lang kapag medyo may force mo hilain hindi sya gagalaw sa hangin lang, grabe na takot ko non.

Tapos, one time umalis asawa ko then yung friend ko may kinuhang parcel sa baba. Biglang may sumisitsit sakin and yung upuan biglang may humila! agad kong tinawagan friend ko non, kasi nakkwnto ko na nga saknya yung mga nangyayari saken sabi ko bilisan nya umakyat at umaarangkada si bespren. Nung una eh di pa sya naniniwala saken not until one time tulog na tulog ako tapos bigla nyang narinig na may humila nanaman sa upuan.

Don na rin ako nagkaron ng bangungot ng sunod sunod na araw. Isang beses eh bigla nalang akong ginising ng asawa ko kasi parang may gumising daw saknya to check on me as in diretso daw syang tingin saken and pagtingin nya nakabuka bibig ko at yung eyes ko eh puro puti na wala akong nilalabas na sound pero nanginginig ako.

Di man nagpapakita saken pero grabe talaga magparamdam. So sabe ko di na okay to.. To the point na naisip ko ng KINUKULAM ako. I asked yung tita ko na nasa province na ipa tawas ako sa albularyo then, ayun may bata daw at may nilalang sa condo namin at di naman daw ako kinukulam.

Yung bata is a different story kasi, nakikita ko na yung bata bago pa tong aggresive na nagpaparamdam saken. Yung kid kasi lagi lang nakatayo sa may lababo at malikmata labg most of the time so sure ako ba hindi sya yung nangbabaliw sakin.

Talaga di na keri na iwanan ako magisa sa condo kaya yuhg friend ko kahit anong mangyari ay di naalis hanggat wala husband ko.

Tapos, one day nagulat ako na biglang gumaan pakiramdam ko and halos wala ng paramdam saken.. nawala na din yung bangungot na muntik na pumatay saken ng 3x

saka sinabi ng friend ko na tinapon nya yung naiwan na wallet at slippers ng cousin ko. Napaisip ako, nagalit ba saken yung bantay nya kasi nagalit ako saknya?

reddit.com
u/Brainisnotbraining_ — 12 days ago