PATULONG: Is batch processing of OR/CR allowed?
First time buyer kami.
Bumili kami ng Honda Click V4 (for work ng kapatid ko) last June 19 sa local dealer namin. Before namin binili, nag ask kami kung ilang araw/linggo bago ma-process ang OR/CR ng motor namin and sinabi ng saleslady nila na 2 to 3 months daw (dahil by batch daw nila pinoprocess). Naging skeptical kami kung bakit ganun katagal pero since need gamitin for work, binili nalang namin.
Pag uwi ko, nag search agad ako kung ilang araw/linggo talaga at laking gulat ko na 7-11 days lang pala dapat (according sa memorandum ng LTO). Bukas, plano namin puntahan ulit ang dealer and ask if may transmittal ba sila na patunay na prinocess na nila ang OR/CR namin pero baka sabihin ulit samin na by batch ang pag process.
Allowed ba ang batch processing ng OR/CR? Ano pwede namin sabihin?