Over sa Lowball
Hello po! Parant lang po early morning thoughts🥲
I'm a newly licensed CE and I'm currently searching for jobs. Target ko po talaga maging site engineer kase ewan naeenjoy ko po talaga magsite. Ang fulfilling kaseng mawitness na nabubuo in real life yung nakikita mo lang sa papel. Tapos kapag nabuild successfully yung project parang may ambag ka sa society ganon HAHAHA.
Sadly, I think igigive up ko na yung plano kong maging site engineer kase grabe maglowball mga local companies dito samin. May narinig rin akong almost 5 years na nagsisite pero around 20-25k parin ang monthly nila. Nakakadismaya lang na overworked na nga underpaid pa. I'm questioning talaga why I chose CE 😭 Mas scam pa sa scammers. Except kung mag aabroad lol.