building is beyond the lot boundaries
May existing na bahay na si client. Gusto niya ipa-demolish at magtayo ng bago. Dun kami nagbase ng measurements for the initial planning habang hinahanap pa nila ang copy ng lot plan ng property. Namisplace daw years back.
Fast forward, may mga napag-usapan na kami na planned areas and spaces. And since nagbase naman ako sa existing house, confident ako na minimal revisions lang sa mga sukat. Kahapon nahanap na nila ang copy ng lot plan. Nung nilapat ko sa floor plan, it turns out na nasakop ng existing house nila ang portions ng supposed to be barangay road. Pero ang road gutters ay nasa labas ng “bahay/building” nila.
Agad-agad ko naman sinabi sa kanila ang nalaman ko. Since matagal na sila sa area and decades na din nag-eexist ang bahay, hindi sila ganun ka affected at ang bilin lang sakin ay ipagpatuloy ang initial plans. I cannot edit the plans to fit within the boundaries since maliit lang ang matitira sa lote after considering setbacks.
Alam ko na mali ang magtayo sa labas ng boundaries ng lote nila. Pero mapilit talaga si client even with my explanation. They’re confident na wala nang mangyayaring road widening since nagtanong na sila initially sa municipal engineer. If you’re in my position, how would you deal with this? And in case I proceed with the project, ano ang possible legal problems sa part ko in the future, if any? I’ll be the project manager once nagstart ang construction. I’m currently working with a young architect na hindi pa ganun ka-experienced with real world situations like this.