u/Affectionate-Ad3178

WEIRD AND POSSIBLY DELIKADO NA ENCOUNTER SA LRT (FOR SAFETY OF ALL)

Kahapon, sumakay ako sa LRT papuntang MOA, bandang Abad Santos station, may sumakay na tatlong tao, dalawang lalaki tapos isang babae. Tayuan non so nasa harapan ko nakatayo yung babae, judgemental man kung iisipin pero inayos ko agad yung bag ko unconciously.

True enough, biglang nagbukas yung babae ng phone niya na sobrang laki ng letters at sobrang liwanag. Nagbukas siya ng messenger GC niya at nagulat ako dahil sa pangalan, "PICKPOCKET GROUP". Nagsend siya ng picture kung nasan siya sa LRT at nakita ko rin na may mga nagsend na iba kung saan sila nakapwesto. GUSTO KO SANA PICTURAN PERO WALA AKONG PHONE NUNG TIME NA YON HUHU.

reddit.com
u/Affectionate-Ad3178 — 1 day ago