

Got some questions about dogs. Please help this first time furmom
Hello po! For how many years, our family has had a family dog pero hindi po talaga kami knowledgeable about dogs kaya ilang beses din kaming namatayan ng puppies. But this time, I've decided to take care of these little ones.
I have some concerns po at the moment, and will probably have concerns again in the future.
Iyong first picture po ay setup nila sa umaga (under a table na pinalibutan ng bakod na gawa sa kawayan), at iyong pangalawang picture ay setup nila tuwing gabi (pinalibutan ng karton). Kapag umaga po, nasa baba kami, sa kusina, mas mahangin. Pero hindi namin sila maiwan doon tuwing gabi dahil may mga place sa kusina namin na may lupa na dinadaluyan ng tubig kaya dinadala namin sila sa taas. Hindi naman po pwedeng iwan sa taas dahil mainit po ron, walang bobeda. My question po, approve po ba sa inyo iyong setup nila? Lalo na po at tinuturuan ko silang magwiwi at mag-poop sa potty train. Pasukan na po kasi sa June kaya hindi sila mababantayan ng maigi ng mga magulang namin.
Dahil po tinuturuan ko sila na magwiwi at poop sa potty tray, most of the time, nasa loob lang sila ng makeshift cage nila. Lumalabas lang sila tuwing pinapadede sila ng mama nila. Pero hindi po sila nagpo-poop doon. Normal lang po ba iyon? Or dapat po, paminsan-minsan ay ilabas ko sila sa cage para makapag-poop?
Maraming salamat po kaagad sa mga sasagot