Kakayanin pa ba natin? The future feels so uncertain, not just here in Ph but globally.
I’ve been thinking a lot lately tungkol sa kinabukasan nating mga kabataan/young adults. Dahil sa mga nangyayari ngayon, it feels almost impossible to plan for the next 5 to 10 years.
At alam ko hindi lang ito usapin sa Pilipinas. This isn't just a local issue; it’s a global phenomenon. Kahit saang bansa ka tumingin, ramdam ang bigat: inflation, unstable job markets, climate anxiety, at ang banta ng mga global conflicts. Parang kahit saan ka magpunta o kahit anong kayod ang gawin mo, ang hirap paring makasabay sa takbo ng mundo.
Yung mga milestones na madali lang para sa mga magulang natin noon (gaya ng pagbili ng sariling bahay, career stability, o maagang pagre-retire), parang naging malayong pangarap na lang para sa henerasyon natin ngayon sa buong mundo.
How are you guys coping with this? Are you still planning for the future normally, or did you shift your mindset to just surviving day-by-day?