u/Altruistic_Dark_7423

Vaping minors

It's saddening na everywhere you go, there's a good chance na makakakita ka ng minor in school uniform na may hawak na disposable vape. Ewan, minsan may makakasalubong ka rin around smc na yosi naman tinitira.

Nakakadismaya kasi anong ginagawa ng LGUs natin about this? Bakit hindi nacoconfiscate yung mga to sa school? I mean okay, imposible naman sigurong mag-implement ng bag checking sa entrances ng school pero eh.

Genuinely asking, are we doing anything impactful to discourage the youth from vaping? Afaik may ordinance against use and distribution of vapes sa minors pero holyyy shit naiimplement ba ito nang maayos kasi TALAMAK talaga ang disposable vapes.

Nakakalungkot makakita ng estudyanteng naka uniform tapos humihipak in public spaces or kahit sa enclosed spaces tapos nagssmoke nang patago.

Mga parents, please please please be vigilant of your children's actions and belongings. Wag niyong hayaan na kung ano-ano lang ginagawa nila. May mga ordinansa, batas, at warnings against vapes for a reason. Gabayan nang wasto ang mga bata kasi it doesn't matter kung gaano kahigpit ang gobyerno at schools sa mga ganitong bahay kung sa bahay pa lang mismo, wala na.

It takes a village to raise a child kaya we have to strive as a community sa pamamahagi ng good values sa mga bata. Wag masyadong lenient. Do your part.

Let's not fail the future generations.

reddit.com
u/Altruistic_Dark_7423 — 3 days ago