u/Chance_Internal6023

▲ 2 r/PinoyVloggers+1 crossposts

My friend loves him, but his past is making her question everything

May isang guy na sobrang bait daw talaga. Caring, maalaga, generous, parang wala ka halos masabi sa ugali niya. Live-in na rin sila ng girlfriend niya ngayon and okay naman relationship nila. Kaso ang biggest issue talaga is yung past niya.

Nagkaroon kasi siya ng relationship with his first cousin for around 3 years, nagsimula yata around pandemic. Ang kwento, matagal na silang hindi nagkita tapos nagkita ulit abroad. That time may girlfriend pa si guy pero nagkaroon sila ng personal issues kaya nagbreak din eventually.

Nung pauwi na sila ng Philippines, kailangan pa mag quarantine sa hotel for 2 weeks. Tatlo sila that time — yung lola nila tapos silang dalawa. Ang setup daw, isang room kay lola tapos isang room silang magpinsan. Ang weird talaga ng arrangement kasi parehong adults na, parehong around 21, tapos hindi naman sila sobrang close before. Ang irresponsible daw sa side ng parents kasi bakit mo pagsasamahin sa isang room yung magpinsan nang ganon katagal.

Doon daw nagsimula lahat. Nakahiga yung girl tapos bigla niyang sinabi kay guy na “kiss mo nga ako.” Nagtaka pa raw si guy kasi bakit niya sasabihin yun, akala pa niya lasing lang or what. Pero eventually pareho rin naman silang pumatol.

Ang nakakakilala raw kay guy, sinasabi na maayos naman talaga pagpapalaki sa kanya, especially sa side ng father niya. Hindi raw siya lumaking manyak or may weird na mindset. Kaya feeling ng iba, malaking factor talaga na si cousin girl yung unang nag-open ng ganung klaseng behavior sa kanya. Siguro dahil exposed si guy sa lifestyle na hindi na-experience ni girl before — may car, may money, spoiled siya, and laging available. Kaya parang doon nagkaroon ng unhealthy attachment hanggang sa lumalim nang lumalim yung situation nilang dalawa.

After that, tuloy-tuloy na raw relationship nila. May mga break in between pero nagbabalikan din. Hanggang around Aug or Sep 2024 yata officially natapos, pero kahit hiwalay na, nagkikita pa rin sila paminsan-minsan. Siguro dahil complicated din talaga yung sitwasyon and hindi rin nila alam paano iha-handle nang maayos.

Every time rin daw may family gathering, especially kapag umuuwi yung mom ni cousin boy sa Philippines kasama yung stepdad niya, laging present si cousin girl na parang normal lang lahat. Ang masaklap, walang idea yung parents ni cousin boy tungkol sa totoong nangyayari sa kanilang dalawa that time. Kaya in a way, parang niloloko rin nila parehong pamilya nila habang tinatago yung relationship nila behind closed doors.

Then around December 2024, may nameet si girl na schoolmate niya and eventually naging boyfriend niya rin and may anak na sila ngayon. Ang unclear lang is kung aware ba si schoolmate sa buong context ng relationship nila noon, lalo na kung alam niya na si cousin girl mismo ang unang nag-initiate ng lahat ng nangyari at hindi lang ito simpleng mutual na naging “mistake” o relasyon na pareho lang silang sumabay.

Sa panahong iyon, kahit nagsisimula na siya ng bagong relationship, nakikipagkita pa rin siya kay cousin guy. Parang lumalabas na may overlap at hindi niya fully sinarado yung connection kay cousin guy habang papasok siya sa bagong relasyon, kaya para sa iba, hindi naging malinaw yung boundaries niya.

Tapos after ilang months, may nakilala namang ibang girl si cousin guy. Last meet yata nila ng cousin girl was around January, tapos nitong February may nakilala na siyang bagong girl. Ang weird lang daw kasi noong April, tumawag pa si cousin girl habang nasa beach si guy kasama yung bagong girl and yung best friend mismo ni cousin girl. Hindi pa sila official noon pero parang ang off pa rin ng timing.

Ang sabi raw ni cousin girl, inamin na niya sa current boyfriend niya yung past nila ni cousin guy kaya hindi na raw sila pwede mag-usap. Pero honestly, medyo nagtaka yung mga nakakaalam ng story kasi parang dapat common sense na yun from the start. Hindi naman na kailangan pang sabihin explicitly na “di na pwede mag-usap.”

Mas naging awkward pa kasi close si cousin guy dun sa best friend ni cousin girl, kaya lagi silang magkakasama kahit ang complicated na nung history. Parang kulang daw talaga sa boundaries yung mga tao involved sa situation.

Pinakamalala pa, hindi agad sinabi ni cousin guy sa bagong girlfriend niya yung buong past. Nalaman lang ni girl dahil sa gut feeling and eventually may nabasa siya sa phone. Nagtataka kasi siya bakit hindi pa niya nami-meet yung cousin kahit sobrang close daw nila ng boyfriend niya. Doon na nabunyag lahat around September 2024.

Sobrang mali talaga nung nangyari, walang question doon. Pero according sa mga nakakakilala sa guy, mabait naman daw talaga siyang tao overall — sobrang sablay lang talaga nung naging past niya.

Ang tanong ngayon: kung sila yung nasa position ng girlfriend, mags-stay ba sila? Kasi kahit gaano kabait yung tao, sobrang hirap tanggapin na yung naging past relationship niya was with his own first cousin. Hindi rin simpleng fling lang — tumagal ng years. Parang ang hirap i-process emotionally kasi hindi lang siya ordinary ex situation. May factor talaga na kahit tapos na, mapapaisip ka pa rin minsan kung kaya mo bang tanggapin nang buo habang buhay yung ganung history.

Mas lalo pang naging mabigat isipin kasi after nung relationship niya with his cousin, yung current girlfriend na agad yung sumunod na naging seryoso niyang relationship. Kaya naiisip din ng ibang tao kung hindi ba mahirap para sa girlfriend na i-carry yung thought na siya yung next person after such a complicated and unusual past. Kahit sabihin pang mabait, maalaga, at maayos naman siyang partner ngayon, hindi maiiwasan na minsan mapaisip kung kaya bang hindi maapektuhan emotionally ng ganung history in the long run.

reddit.com
u/Chance_Internal6023 — 11 days ago