u/Chartreux05

▲ 11 r/catsph

Nawawala ung pusa ko pero hindi ko hinahanap

So i have a male cat. White, probably mga 7mos old. D ako sure masyado sa age kc rescue lng sya

Madalas sya nalabas ng bahay. Nauwi naman nung una. Mag hapon lng umaalis pero recently d tlaga sya umuuwi ng ilang araw. Mnsan umaabot ng weeks. Pinaka matagal 2 weeks.

Nung una naloloka ko sa pag hahanap kung nasaan ba sya.

Pero one time napansin ko sobrang linis nya. As in ang puti. Kala ko magaling lng sya mag linis ng katawan nya, pero nung inamoy ko… te amoy shampoo😂😂

So na realize ko kada mawawala sya eh may ibang bahay syang pnupuntahan. Masarap cguro ulam dun. Umaalis lng sya pag niliguan sya ng kung sinong amo nya sa kabilang bahay. Ayaw nya kasi ng naliligo 😂😂

Kung sino man un nag ampon ng pusa ko, te d sya nawawala.. sadyang dalawa lng tlaga ung inuuwian nyang bahay😂

reddit.com
u/Chartreux05 — 6 days ago