u/Cheanna

Bakit ba ang hirap maghanap ng work?

Guys question. Bakit ba ang hirap maghanap ng work? Puro submit na ako ng resume sa iba't ibang companies pero walang nangyayari. Ni HR interview or feedback, wala akong natatanggap.

For context: 2yrs+ audit background ako, tapos 1yr+ na accounting.

Hindi ko maintindihan bakit ayaw sakin ng mga HR 😭 taga province ako and nag aapply na ko kahit sa Metro Manila pa yan pero wala talaga palagi response sa HR. Hindi ko alam anong kulang or mali sakin.

Sobrang frustrated ko na, gusto ko na kasi talaga mag resign sa current work ko pero wala akong mahanap na new work. Grabe talaga 😭

Mas mahirap pa maghanap ng work ngayon kasi kakalabas lang ng result :( for sure priority din mga CPA huhu

Pa advice naman po ano ba usual style niyo sa paghahanap ng work and if saan kayong website naghahanap. 😭

Thanks po

reddit.com
u/Cheanna — 8 days ago