Question for business owners with different businesses. Thank you for the time!
Tanong lang sa mga may higit sa isang branch, o may dalawa o tatlong magkaibang negosyo.
- Paano mo nakikita ngayon kung alin sa kanila ang mas kumikita? POS report, Excel, notebook, o kutob lang?
- Kung magkaiba ang sistema ng bawat isa (POS sa mall, Excel sa isa, notebook sa isa pa), sakit ba talaga na pagsamahin sila, o 30 minutes lang once a month at tanggap mo na?
- Sa mga bumili ng POS tapos tumigil: ano ang pumatay, presyo, staff, o yung encoding?
Nagtatanong ako kasi may ginawa akong konsepto para dito. Isang simpleng page na pinagsasama ang benta ng lahat ng branch kahit magkaiba ang pinanggalingan, tapos sinasabi kung alin ang malakas at alin ang mahina. May kasama rin itong counter tool para sa cashier, yung total at sukli, para yung sales record ay lumalabas na lang sa mismong pagbebenta at hindi na dagdag na encoding.
Libre, walang signup, walang binebenta. Konsepto pa lang ito, kaya gusto ko munang malaman kung totoo ba talaga ang problema bago ako magpatuloy. Kung may gustong makita, sabihin niyo lang sa comments.