Anong mas replayable na type ng laban para sa inyo...
A. Yung laban na parehas naka A-game yung dalawang emcees na hindi kayo nakasubaybay talaga, pero grabe yung naging palitan nila. Kumbaga, mga laban na pagka upload pwedeng di mo muna papansinin kasi wala kang interes sa kanilang dalawa, tas pagsilip mo, taena ang ganda pala. Pwedeng instant classics, pwedeng underrated gems. Something along the lines of Jawz/Bisente vs Atoms/Cygnus, Supremo vs Dave Denver, Jabo vs Boy Sleuth.
OR...
B. Yung laban na nambodybag lang yung paborito niyong emcee at halos di nakapalag yung kalaban. Pwedeng nagchoke, pwedeng sobrang nag underperform, pwedeng iwan na iwan lang talaga sa S-tier performance. Sakin kunwari, mg tipong Vitrum vs SlockOne, GL vs BLKSMT, MZhayt vs Plaridhel.
For the sake of argument, yung Option A eh laban na bagamat di kayo mismong fan ng emcees eh pasok sa panlasa niyo yung tipo ng matchup (be it barfest, pure comedy, daragan, o style clash). Yung Option B, basta ang criteria lang eh paborito niyo yung emcee na nambodybag, bahala na kung sino man kalaban niya.
Anong mas uulit ulitin niyo, sa tingin niyo?