u/Chubeebo_WaitingShed

Paano mag come out?

I'm 38 from Cavite. Gusto ko lang sanang humingi ng opinyon and advice na rin. Pasensya na po kung sa pagbabasa nyo ng post ko eh malito kayo kasi magulo ako magkwento.

May nakaranas na ba sa inyo na dumating sa point na pagod ka nang magtago ng sexual orientation/identity/preference? Lesbian kasi ako, pero hindi ko maamin amin sa family ko ang totoo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Natatakot ako kasi baka mashock ang mother ko na senior citizen, natatakot ako na baka itakwil ako ng kapatid ko na devout born again christian, at baka yung mga kaibigan ko baka magbago ang pagtingin sa akin (hindi rin kasi ako sure kung tanggap talaga nila ang mga member ng LGBTQ+ or tinotolerate lang nila.)

Araw araw kong iniisip kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoo. Pakiramdam ko all my life tago na lang ako ng tago. Nakikipagrelasyon ng palihim, nakikipagdate ng patago. Gusto ko rin maexperience yung lumabas kasama ang taong gusto ko na hindi ko kailangang magsinungaling kung sino sya at ano sya sa buhay ko. Hindi naman ako sinakluban ng sako sa ulo pero feeling ko suffocated ako.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa mga out and proud dyan, paano nyo nakuha yung lakas ng loob at tapang para lumantad?

reddit.com
u/Chubeebo_WaitingShed — 4 days ago