
Ang lakas ng loob ni Imee Marcos na magpanggap na kalaban siya ng katiwalian, samantalang marami siyang hindi maipaliwanag noong gobernador siya ng llocos Norte.
Kabilang sa mga pinuna ng COA noon sa kanyang pamumuno ang pag-a-award ng kontratang may kabuuang halaga na ₱795M sa mga contractor at supplier na lahat ay konektado sa isang nagngangalang Charity B. Piedad.
Kapuna-puna rin ang mga iregular na cash advance ng Kapitolyo na may kabuuang halagang ₱491M at mga pinamigay na items na walang malinaw na patunay na tinanggap ito ng mga benepisyaryo na nagkakahalaga ng ₱148.9M.
Binasag din niya sa "multiple contracts" ang ilang proyekto at pagawain ng Kapitolyo upang i-shortcut ang mga proseso, dahilan upang punahin ang iregularidad na ito na may halagang ₱30M. Gayundin, nadiskubre ng COA na peke ang bid documents sa samu't saring transaksyon ng Kapitolyo na may kabuuang halaga na ₱21.7M
Kaya kay Imee, kung tunay kang laban sa katiwalian, bakit muna hindi mo sinagot ang mga kabulastugan ng kapitolyo ng Ilocos Norte sa ilalim ng liderato mo?