
u/Difficult_Cry6308

crisis
grabe, ramdam na ramdam ko yung hirap ngayon. hindi na normal ‘to, literal na 0 days
Helloo, this is my first time sharing a story so please bear with me. I’m 19 yrs old, from Dasmariñas Cavite.
Noong 15 ako, nag temp ako lumayas sa bahay dahil sa family prob, sinasaktan kasi ako ng father ko. Pero nahuli akong lumayas kaya nasundan ako, nakabalik ako sa amin pero hindi ako tumira kaagad sa bahay na kasama ko yung father ko. Tumira ako sa tita ko, na kapatid niya.
Hanggang sa matapos yung christmas n new year, after non umuwi nako ulit sa bahay namin ng father ko, pero sobrang mailap pa rin ako sa kaniya. Kaya halos hindi ako nauwi sa bahay, nandun lang ako sa bahay ng kaibigan ko hanggang madaling araw (katabi ng bahay ng tita ko). Parang rebelde kung tawagin, pero hindi ako umiinom ha. Sadyang hindi ko lang talaga kaya mag stay sa bahay dahil na rin sa awkwardness.
Going back to story, ayun na nga. Madaling araw, nalobat yung phone ko. So, need ko ng charger. yung isang tito ko dun natutulog sa lola ko (tita niya) Basta gets niyo na yan, Chinat ko siya “Tito *** may dala kang charger? peram ako” ganiyan pero wala siyang reply so I decided to go there alone. Past midnight na rin non, hindi naman super layo ng bahay nila same iskinita lang din kung san ako tumutuloy. Pero yung harap ng bahay nila another iskinita, ilang bahay lang yung nandoon, yung unang bahay na bungad, bahay ng manggagamot saamin. Yung katabi niyang bahay ang sabi sa amin bahay ng mangkukulam, yung nasa pinaka dulo, bahay ng ninang ko tapos ilog na yung likod nila.
So ayun na nga, naka paa pa ako nung lumabas ako, na katok ako ron sa bahay ng lola ko and I was calling my titos name, E sobrang likot ng mata ko, so I was telling to my self na huwag tumingin kung saan saan kasi nga ang creepy ng iskinita sa likod ko, tapos ang creepy din ng bahay na nasa likod ko kung saan ako nakatayo, marami na rin kasi nakakita at walang tumatagal na tumira.
So, sa hindi inaasahan dahil sa kakulitan ng mata ko, napaikot yung tingin ko ron sa iskinita. May nakita ako sa bubong ng manggagamot, malaki itim na itim, pati yung mata niya itim din. So nagtaka ako, kung ano yon, kasi bakit ang laki? kung pusa di ba? pero yung hitsura niya pusang pusa, nagtitigan pa kami siguro mga 1-3 minutes hanggang sa ngumiti siya, nakakatakot yung ngiti parang kahit anong oras bigla akong kakainin, so nagtatakbo takbo ako pabalik sa bahay ng kaibigan ko while shouting “May aswang may aswang” n crying. Pabalik sa bahay ng kaibigan ko, kinalampag ko yung pintuan nila habang nakatingin sa gate, kasi open yon e. Mamaya pagtingin ko biglang nasa likod ko na pala, kasi hinabol ako di ba? Grabe pag o-overthink at panic ko noon. Hindi pa kaagad binuksan ng mga kaibigan ko kasi they thought I was joking, pero noong nag hysterical na ako dun lang sila nagbukas ng pinto, kasi nakita nila takot na takot na ako non.
Pagpasok ko sa loob, tinanong nila anong nangyare, natawa pa sila. Tapos kinwento ko, bigla silang nagseryoso, kasi marami rin talaga kababalaghan doon samin. Pinatahan nila ako, nung omo-kay na ako, chineck nila. Nung chineck nila, wala naman daw kahit ano ron sa bubong na yon.
Kinabukasan, ako yung laman ng chismisan sa lugar namin dahil sa sigaw ko, may mga naniwala meron din hindi. Sabi nung katabing bahay ng friend ko, meron daw talagang aswang kagabi, kasi sobrang baho na hindi na explain, tapos iyak pa nang iyak yung new born niya ganon + may sakit din yung baby noon. Yung hindi naman naniwala, yung may ari ng bahay kung saan ko nakita yung nilalang na yon. Yung mang gagamot, ang sabi niya hindi raw totoo yon, guni guni ko lang. Sabi ng mga friend ko, baka raw cino-convince niya lang sarili niya na hindi totoo yung nakita ko kasi natatakot siya.
Kayo ba? ano sa tingin niyo yung nakita ko noon, kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin ma explain kung ano ba yung nakita ko.