u/Direct-Let-2016

Is it an Angel?

Since i was a kid i’ve always been told na may multo daw akong kasama, people describe it as a tall girl with long hair wearing cream (almost white) clothes, short sleeve & knee length. Mga bisita namin sa bahay palagi yan magsasabi “sino yung kaibigan ng bunso (me) niyo na kasama nya pagpasok sa kwarto?” Like literal na it happened a lot of times.
when i was in college, i got very sick while i was home alone, so i called my cousin to bring me food because i have high fever pero sabi ko di na ako gisingin if tulog ako, when i woke up the next day nainis ako kase nasira lang yung beef nilaga kase nasa plastic pa tapos di man lang pinasok sa ref, when i asked my cousin about it sabi niya “ha? Eh tinanong ko si ___ (best friend ko) if kakain na ba sya sabi nya oo daw” turns out may nakita daw sya sa kwarto ko na babaeng katabi ko, since dim light lang inassume nya daw na yung besftriend ko yun, eh gumalaw daw so tinanong nya if kakain na ba sya,
sumagot daw “oo” so iniwan nya nalang sa mesa yung food.

Multiple times din nangyari na nauuna daw akong dumating sa bahay. Yung main door kase namin malapit sa kwarto ng parents ko tapos unahan pa nun yung kwarto ko. Yung worst nalang yung istory ko; nauna daw akong dumating, lakas daw ng pag open ng gate kaya nagising parents ko eh arong 11pm na yun, at alam nilang magdadahan dahan na dapat ako nyan para di maka storbo, tapos lakas din daw ng pag open ng door na parang nag wawala, so dun natakot parents ko, tumayo dad ko tapos nag load ng gun nya (army po dad ko), tapos pumasok daw ako sa kwarto ko at nag lock tapos parang padabog ko pa daw lahat ng gamit ko sa sahig, so pag dating ko (around 2-3 min lang daw since nauna yung isa) nashock ako bat naka on yung ilaw, tapos naka double lock yung door, so nilakasan ko boses ko “mami? Dadi? Paopen po pls” tapos naririnig ko na parang nag uusap sila sa loob pero di pa din binubuksan yung door, after a minute tumunog phone ko, mom ko tumatawag nag tatanong kung nasan daw ako, sabi ko sa main door sabi ko pa “ako tong nasa labas mi, pls pa open kase i’m scared na” dun lang nila inopen yung door. Grabe takot ng dad ko kase di daw nya alam sino paniniwalaan nya, yung nasa kwarto ko ba or yung nasa labas. The next week nagpa bless kami ng bahay.
Sa mga kwento ko, akala ko talaga yung bahay namin yung problema. But nag medicine ako sa cebu and it still continues. Yung first na nirent ko is studio unit lang tapos kapit bahay ko lang yung owner, 3 months na akong nakatira sa kanila nung nakausap ko yung bantay ng laundry shop, “mam bat di po nag papalaba yung kasama niyo?”, sabi ko “ay wala po akong kasama mam, ako po yung solo sa room x”, grabe girl parang nawalan ng kulay yung mukha niya, kase daw palagi daw akong may kasama umuwi, same description nung nasa bahay namin; slim, matangkad, naka puti, sabi ko nalang “nako mam baka pagod lang po kayo” tapos iniba ko na yung usapan.

Until nag clerkship (2024) and it gets worse! Ako na yung nakaka kita sa kanya most of the time. Sa mga salamin makikita ko syang naka buntot pero binabale wala ko lang kase nga baka illusion or hallucinations lang. minsan nagigising akong nasa paahan ko sya nakatingin lang, pumipikit lang ako at nag dadasal, kala ko pa nun baka early symptoms na kamo ng schizophrenia.
Fast forward ngayong PGI (2025) na ako, surgery rotation ko nun tapos need ko mag tahi, around 2am to so medyo silent na yung hospital, pumunta akong ED-OR para mag pa sched ng pag tahi tapos pinapasok yung pt sa OR para makabihis & makapag set up ako ng gamit ko, then lumabas din ako para magtawag sana ng assist/clerk, sabi nung nurse “doc bawal na ang clerk mag tahi if wala pong pgi ha” sabi ko “ah ako po mag tatahi mam, magtatawag pa ako ng assist”; “huh? Eh sino yung kasama mo sa loob doc? Clerk man ata yun”; this time kala ko jinojoke time na ako, “mam wala nga po akong kasama, yung pt po dun sa other door ko pinadaan”; tapos bigla nyang sinabi “doc mag dasal ka ha, may babae ka talagang kasama kanina”.

Ang dami ko pang kwento pero gusto ko sana mag tanong kung ano po kaya to?? Nararamdaman ko naman sya matagal na but since po nasa medical field ako, di ko po masyadong pinapansin. I already sought psychiatric consult way back 2021 and i was diagnosed with general anxiety disorder, kase grabe insomnia ko nun, but di ko na dinisclose sa doctor ko yung about sa nakikita ng mga tao.

And now, i’m slowly accepting na baka nga po may kasama akong “entity” palagi and it is better left unexplained. But i just want to know po ano po kaya possible reason bat sumama sya sakin? Para po di ako matakot sinasabi ko nalang sa sarili ko na baka kamo angel to and she’s just keeping me company.

reddit.com
u/Direct-Let-2016 — 6 days ago