LRT UN Station creepy experience
This happened on May 24, 2026 noong iniikot namin ang Manila since it was our last day before we return to our province. Nasa Fine arts museum kaming dalawa ng kasama ko and we decided to go to Divisoria. Since di pa nga Naka experience na sumakay ng train eh na pag isipan namin sumakay sa LRT sa UN station. Di namin kabisado ang ruta at umakyat kami sa station na opposite ang direction pupuntahan namin. Habang paakyat kami nun, nakita namin na may pulubing Naka Upo sa hagdan. Nasa late 40's na siguro ang edad, Naka checkered na brown polo at may nakalapag na plastic, transparent envelope na lamang passport at parang dokumento na related sa mga seaman. Payat, Moreno at mejo may puti na sa buhok Yung lalaking pulubi. Dahil nga Mali na ruta pinuntahan namin ay agad kaming bumaba at lumipat sa kabila. Noong paakyat na kami ng hagdan ay nakita namin ulit Yung parehong pulubi. Parehong itsuraan at pananamit at Pati Yung dalang envelop niya. Nag taka kami Kung paano agad siya nakalipat dahil kailangan mo munang tumawid ng daanan na may mga sasakyan. Bawal din naman tumawid siya sa itaas dahil daanan Yun ng tren unless walang pumigil sa kanya. Meron bang same na Naka experience nito?