u/Disastrous-Ear-5800

Any advice po how to uncrush/unlove. Whatever you call it

Hi. I'm 37 M, working in an inhouse company sa Makati. Mayroon akong katrabaho na ito yung masasabi kong ideal woman ko. Maganda, mabait, matalino, cool, funny as hell, approachable, girl boss vibes, and with tats. Kaso, 27 lang siya and may long term gf ( yes, LGBT siya. Bi to be precise).

Siya yung nilolook forward ko lagi pag papasok and everytime na nakikita ko siya, iba talaga yung mood ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos pag kinakausap niya ako or hindi ako mapakali kapag lalapit siya. One time, nakapag usap kami kung anong masasabi niya about age gap. natuwa ako sa sagot niya na para sa kaniya "as long as consenting adult wala siyang nakikitang mali" Pero mas prefer niya na mas matanda sa kaniya yung partner niya whether babae or lalaki.

Ngayon ko na lang ulit nafeel tong ganito knowing na I'm in my late 30's. I've been single for quite some time and nung may nakilala ako, hindi naman siya pwede. Paano ko pipigilan yung nararamdaman ko para sa kaniya lalo na't araw-araw ko siyang nakikita. Gusto kong umamin pero wala namang point para gawin ko 'yon.

reddit.com
u/Disastrous-Ear-5800 — 26 days ago