Nakakawalang gana mag duty
Mahirap maging clerk. Mas lalong mahirap kapag may mga personal struggles kang pinagdadaanan sa buhay. Araw-araw gusto ko na mag-quit. Araw-araw halos umiiyak deep inside. Pinipilit nalang pumasok. Dagdag mo pa yung residente mo na lagi ka nalang sinisigawan. Muntik na ako mag walk-out kanina. Nakita lang ako kakaupo ko lang sinigawan ako as if all I did was to just sit around. Lagi siyang ganyan sakin. Kesyo mabagal ako, basta lagi yan nakasigaw sakin. Minsan inaassist mo na nga sya nakasigaw parin siya sayo kung ano ano ang sinasabi. Kaya nakakawalang gana talaga pumasok. Di na nga tinuturuan, ganon pa. I know some of you will say I just have to power through clerkship. 1 year nalang naman. Pero, natataranta kasi ako lalo pag may nakasigaw, or kapag may public criticism. O baka sadyang pang theory lang ako at bano talaga sa practical setting. Nag iingat lang din ako magkamali kaya ang bagal ko. Teachable naman ako pero yung environment ko kasi, especially the residents, di naman supportive. So far, ito ang pinakamalala. Yung ibang departments, pag nagkamali ka sasabihan ka lang nila ng maayos. Ito simpleng bagay nakasigaw sila lahat. Natural lang bumagal ng kaunti kung buong araw ka na nagaassist at nakaduty. Ang dami ko pa sama ng loob pero ito muna sa ngayon.