​
Tatlo pala kaming magkakapatid tapos wala na kaming tatay. Nasa province yung hometown ko at wala dung mga colleges meron man pero limited lang mga program. ngayon nasa manila nakikitira ako sa tito ko kasama mga pinsan ko. Before ako maghanap ng trabaho tinanong ko sina mama at mga kapatid ko kung ano plano kasi yung pangalawa pa graduate na ako at sya mga tita ko nagpapaaral. Tapos napagkasunduan namin na ako na magpapaaral sa kapatid ko from tuition, allowance to miscellaneous. Napagkasunduan din na si mama is mag part time dito sa Manila sa tito ko (kapatid nya) kasi ayaw ko sya mag stay dun sa probinsya. Si mama kasi di marunong humawak ng pera at wala syang income dun. Alam nyo yung na iingganyohan silang mag inlaws na umutang na walang plano saan gamitin ang pera basta magka pera tapos para mabayaran yung utang ay uutang ulet kaya lumalaki kaya gusto ko dito na para magkapera sya at makaipon kahit kaunti.
So akala ko ok na kami kasi malapit na ako mag start sa work. At nag work na nga, sobrang liit pa ng sweldo ko tapos di pa regular, di pa umabot 20k gross ko. Nag try naman ako bpo kaso di ko talaga kaya mag night shift kasi di din ako nakakatulog umaga kasi yung kasama ko sa kwarto wfh so di pwede blackout sa umaga.
Nag start ako october, nagbibigay naman ako ng kakaunti like 1,500 tapos kaunti sa dalawa kung kapatid. Noong december nag budget na ako kasi nag inquire na ako sa mga university at di ko talaga kakayanin kung bibiglain yung budget kaya need ko magsimula mag ipon so nag explain ako kina mama at mga kapatid ko na baka di na ako makapagpadala kasi sisimulan ko na mag ipon ng pera para pang tuition sa bunso kasi di ko kakayanin biglaang bayaran, sabi nila ok lang naman. So ayun na nga nakakaipon ako 4k per cut off noong January pero sa unang cut off na nakaipon ako humingi si mama ng 3k kasi may need bayaran at ibabalik naman sa katapusan. Sabi ko kahit di naman mabayaran kaya padin naman syang mabudget so nagbigay ako pero nag explain ako ulet na wala na akong mabibivay next time kasi e prioritize ko na college ng kapatid ko. Next cut off nag expect na ako na di mababalik tapos everyday may myday ako tapos kapag mag react si mama o mag reply sa myday na kumusta at nag reply ako always kasunod is "may 3k ka nak?". Kaya noong katapusan ng January na nag reply sya sa myday ko ay di ko alam ko na agad ano kasunod at yun nga, reply ko sa kanya kung ako explanation ko last time. Morning yun, mga hapon yata nun na may natanggap ako na chat na sobrang haba sa nagpaaral sa akin (tita ko na nasa province)about sa di ko pag bibigay sa mama ko at pinagalitan ako, explanation ko about sa tuition with computation dinisclose ko pa sweldo ko para makita nila na di ko talaga kaya sa sobrang liit ng sweldo ko ang dami pa nyan miscellaneous expenses lalo na at nag aral din ako dito sa Manila at di pa nga ako regular sana naman bigyan muna ako year na experience before sila mag expect ng something na kaya ko na lahatin at wala naman akong negosyo katulad nila. Tapos yun nag explain ulet ako kay mama bakit naman nagsumbong agad sya akala ko ba ok na explaination ko.
Tapos lilipat pa kami ng bahay sa march sa kalagitnaan ng February nag ask na pinsan ko kung makakaya ko sa budget mag bigay sa rent kahit 2k, sabi ko pa 5k lang ibibigay ko kasi kuryente, tubig, at wifi sila nagbabayad. Tapos sa unang cut off ng February nag reply na naman mama ko sa myday ko at ganun padin explaination ko kasi nag hirap kapag nabawasan yung pera ko pang college ng kapatid ko kasi di ko makakaya at sabi nya ok lang. Tapos makikita ko nalang halos lahat ng relatives ko na palaging kasama ni mama mag share ng post about sa pagigigng ungrateful na anak like may isang post na same silang pinost about sa magulang na itinakwil ng anak. Iyak ako ng iyak nun every 12 am sa labas kasi yun lang ang time na tulog ang lahat tapos di ako makatulog. Tapos sa sobrang inis ko nagbigay ako sabi ko kay mama na last na to kasi uunahin ko talaga pang college ng kapatid ko mas importante yun. Tapos yung nag uusap ulet kami about sa pag work nya dito para din magsama kami at masaman nya kapatid ko para di sya ma OP or ma lonely sa bahay at may work din ako kasi isang buwan din aantayin before mag start klase nya after enrollment. Sabi di na sya tutuloy at magbabantay nalang daw sya kay lola at need na daw bantayan. Nabigla ako kasi nakaplano na lahat at biglang di na pala matutuloy pero nag ok nalang ako. Tapos dumating yung march need ko na isama sa budget ko yung sa bahay, nanghihingi na naman si mama malapit na cutoff nun. Ganun padin explanation ko about college pero nadagdag ko na nadagdag nadin sa budget ko yung sa upa iwan ko anong sinumbong ni mama at sinabihan ako ng tito ko kasi bakit ko daw sinasabi sa mama ko na di ako makapagbigay dahil sa rent e di naman ako pinipilit about sa renta at nag explain naman ako sa na never ko naman sinabi na renta ang dahilan palagi naman na pang college ng kapatid ko at nasabi ko lang na nadagdag yung renta kasi lumipat kami. Papasok ako nun sa trabaho at luha ako ng luha sinabi ko agad na sobrang dry ng mata ko lapag nalatutuk sa screen buti walang nakapansin busy season pa naman. Pag uwi ko nabigla ako kasi pinagalitan ako ng pinsan ko kasi sya nagsabi sa akin regarding sa ambag sa rent kasi nga lumabas na kwento yung rent yung rason bakit di ako makapag bigay e parati ko explanation about sa tuition. Nag explain naman ako pero na kokonsensya ako kasi nadamay pa sya. Tapos dumating isa kong pinsan galing province at ramdam na ramdam ko na inis na inis sya sa akin tapos di nya ko pinapansin, feeling ko talaga masama tingin ng lahat sa akin. Tapos kinausap ako ng tito ko before ako pumasok sa work regarding din kay mama kasi parati sya nagsusumbong, ganun padin explanation ko, nagsabi ng suggestion si tito na kahit 1,500 per cut off, iwan ko ano napasok sa utak kasi bigla akong nag walk out at naglakad papasok sa work. Na kokonsensya talaga ako na ginawa ko yun sa tito ko kasi sobrang bait nila, napagalitan ako ng pinsan ko kasi nagawa ko yun. Yung bahay nila tito is malapit lang sa tinutuluyan naming mag pinsan hanggang ngayon di ko kayang makipag usap sa kanila kasi sobrang hiya ko
Kahit dito sa bahay wala akong nakakausap maliban sa pinsan kong isa like small talk lang. Tapos na busy season at na naman extend naman pero di nila alam yun kaya 11 pm padin ako umuwi kahit 6 pm out namin iyak iyak lang ako sa daan minsan sa tinatambayan kung tulay. Tapos may isa akong friend na may time na sa akin sya nag sasabi ng problema at naiiyak pa minsan tapos pinagalitan ako kasi di ako nagkwento na pinoproblema ko pala yung pagkasakit ni papa at nalaman nalang nila noong nagkwento ako na patay na papa ko. Kaya noong nag aya silang mag zambales sa June di talaga ako nag hesitate na sabihin sa kanila na di ako pwede kasi may pagpapaaralin na ako tapos nag kwento ako na ang hirap kasi di ako kinakausap ng pinsan ko at tingin sa akin ng relatives ko ay masama ako. Sabi nya na may time pa naman daw at magbigay nalang ako feedback kung sasama ako o hindi before mag June. Akala ko gets nya ako tapos makwento ng isa pa naming friend na ako daw daming kwento, nag chat daw sa kanya yung friend namin na di nalang daw ako magsabi na hindi sasama bakit pa daw ang dami ko kwento. Pagsabi nya talaga nun tumawa nalang ako tapos sabay alis
Panay iyak talaga ako.
Tatagan ko nalang talaga loob ko. Lahat nalang kasi ng kausap ko di ako gets kasi nanghingi din ako opinion sa iba with computation at explanation at lahat sila same sinasabi na magbigay ako kada cutoff kasi ako lang inaasahan ng mama ko.
Feeling ko talaga nasa akin ang mali.
Di nila alam super tipid ako sa ngayon naglalakad ako pauwi everyday
Always 11 pm nauwi para tulog na, akala nila ot pero tumatambay lang sa footbridge at iniisip na gayahin ko kaya yung sa espanya para matapos na to kasi parang ako naman ang mali. Haha
Iniisip ko nalang na gawin yan after 4 year after makagraduate kapatid ko.
Masama ba talaga akong anak kasi wala talaga akong masasandalan ngayon.