u/Dramatic_Taste2844

Down with the sickness

Down with the sickness

https://preview.redd.it/1rrhfncfcuzg1.jpg?width=1314&format=pjpg&auto=webp&s=57b9cede9d4d8fba0db80d800d539b6c775f8ecb

May bagong “initiative” na naman from management. Yung announcement galing sa manager namin, pero obvious naman na utos nung bagong AVP na kakapasok lang, 3 months in if I'm correct.

Ang issue, naghihigpit sila sa PTO dahil sa bagong work scheme na si AVP rin naman ang nag force implement. Ang problema, lalo lang nitong nilabas yung existing manpower shortage na matagal na naming raised kahit bago pa siya dumating. Until now, wala namang concrete action.

May existing rule pa na kapag mag-Emergency Leave ka, kailangan 6 hours before shift makahanap ka muna ng sariling kapalit — kahit supposedly trabaho naman dapat ng supervisors yung scheduling at staffing. At hello? EL is EL, anong need ng 6 hours notice?

Dagdag mo pa yung gustong mandatory 2.5 hours OT every shift. Nakakapagod na nga workload, dadagdagan pa lalo. Wtf?

Iilan lang to sa mga katoxican ng management nung dumating yung new AVP.

Kayo, anong experience niyo nung may dumating na Jollibee sa company niyo?

PS: May meeting na conducted si AVP for "feedback session" one time and may 2 na nag disagree sa gusto niya. Parehas niyang sinigawan kasi saliwa sa gusto niya and ang palusot ni AVP? Passionate daw kasi siya kaya napapasigaw siya.

reddit.com
u/Dramatic_Taste2844 — 14 days ago