Modus ba ito o judgmental lang ako?
Kaninang umaga sumakay ako ng jeep sa C5. Maluwag pa ang jeep nang sumakay si lolang naka-mask. Umusog ako sa bandang pintuan ng jeep para sana makababa siya agad pero pumasok pa rin siya at umupo sa may kanan ko. Okay naman siya nung una; simple lang parang typical senior citizen. Ilang minuto lang bigla siyang nag-picture ng pa-horizontal at kitang-kita yung mukha ko na para bang magkasama kami sa jeep. Sa gulat ko, tinignan ko kung sinend niya ba kahit kanino yung picture, at sinend niya nga sa isang Group Chat. Gusto ko pa sanang basahin yung kasunod niyang sinabi after the picture pero natakot na ako. Inisip ko na lang na baka gan'on lang talaga since senior citizen.
Akala ko magiging okay na ang pakiramdam ko nung pinababa na kaming lahat. Sa matao naman ito banda kaya sabi ko safe dito. Pero nung pagbaba ko ng jeep, si nanay sinundan ako. Akala ko guni-guni ko lang pero nung nag-stop ako, nag-stop din siya. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko hangga't sa mapagtanto niya na hindi na talaga ako aalis kaya umalis na siya.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ba 'yon? Judgmental ba ako o talagang kakaiba na?