Sharing my experience
I would like to share my experience months ago. Nag MA ako ng 16 weeks, una lumabas yung fetus tapos naputol yung cord. Kahit anong gawin ko maglakad, magsquat hindi talaga nalabas. Natakot ako kasi di ako dinudugo tapos nakalaylay yung cord kaya tinakbo ako ER dahil namumutla na ako. Pinagalitan ako ng dr kahit gumawa ka pa ng dahilan sesermonan ka talaga nila. Todo deny ako na uminom ako ng gamot. Ang malala pa neto dumikit na yung placenta sa uterus ko, sinalinan din ako ng dugo. Kaya sa mga kapwa ko na magtetake na lagpas na, wag niyo hayaan maiwan yung placenta tulad sakin. Halos 24hrs pa ako bago pumunta sa hospital, kung pinatagal ko pa daw baka tanggalin yung matres ko.
u/Due-Concentrate3089 — 21 hours ago