u/ElectronicPenguinPH9

MCDONALDS BONI STATION

Straight to the point na, medyo naiirita ako dito sa nangyayari sa loob ng McDo sa may Boni station, yung katabi ng Andok's. Sobrang love ko 'to kaya affected ako (pardon the pun hehehe basta favorite ko yan eh)

Sobrabg convenient siya kasi pagbaba mo from a siksikan ride ng MRT, you can devour yourself with a Chicken meal na mala-dinosaur. Kaso lately, ang dami kong napapansin dito sa branch na 'to at parang hindi ko naman kayang i-tolerate :(

  1. Yung security guard. Lagi nalang nakikita/natatatimingan yung security guard na wala sa post niya tapos pagpasok mo, naglilinis ng mga table. I mean hindi naman na gusto ko lang na pinagbubuksan ako ng pinto pero ang concern ko kasi is yung mga pulubi na nakakapasok or basta basta nalang lalapit sa mga customers na KUMAKAIN tapos nanghihingi ng barya o pagkain. Ilang beses na kong naganito. Tipong kakalapag palang ng food ko sa table, may pupunta na sakin sasabihin, "Te akin nalang yan (fries/softdrinks)". Gusto ko lang naman kumain ng matiwasay dahil pagod ako sa byahe at gutom na gutom ako tapos ganun pa. Hindi sa nagdadamot ah. Gets niyo naman yan. Nareport ko na ito sa manager and sa feedback page nila mismo eh kaso wala ganun pa din. Scope pa ba nila yun?

  2. Basura area. Yung dulong pwesto sa loob, sa tabi ng may basurahan. Siguro wag nalang maglagay ng table doon kasi everytime na magsesegregate ng basura, syempre mabaho. Nakakasulasok. Tapos tipong kumakain ka maaamoy mo yun. Nakakawalang gana kaya. Saka yung paglalabas ng basura, diba meron naman silang lagusan dun sa likod? Pero sa main door pa din nila dinadaan yung mga basura. Haist. Swerte lang siguro walang health inspector na mahigpit dito kagaya sa states kundi matagal nang sarado yang branch na yan.

  3. Gravy pump. Sobrang kadiri nitong area na to. Ang dami laging ipis na gumagala gala sa area kasi may mga tumatapon dahil sa kasaulaan din naman ng ibang customers pero dapat diba minemaintain nila yun? Pagkain/Kinakain pa din naman yun. Minsan pa, pag sasabihan yung crew na ubos na yung gravy sa pump, mga galit pa. 🫠

Gusto ko naman talaga yung McDo. Saka yun lang malapit sakin eh. Aware naman ako na may ibang pwede pang kainan dun, pero diba in a business perspective, kung talagang iniisip mo talaga yung welfare ng customers mo, maintained mo yung branch mo in all aspects.

reddit.com
u/ElectronicPenguinPH9 — 4 days ago

Drinking Water

Hindi ko alam kung kanino masasabi o mairereport ito, pero it's kinda affecting my daily life. Di rin naman ako makakapagreport kasi dayo lang ako dito at baguhan palang na nagrerent.

Di naman ako RK na maarte ang sikmura sa kung ano ano. Kumakain naman ako ng streetfoods, mga ihaw, laman loob. Di rin naman ako maarte sa mga sago't gulaman o palamig. Kahit buko nga eh. Pero ewan ko ba, 1 month na kong dina-diarrhoea sa tubig na nabibili ko sa mga water refilling stations dito sa area namin sa Plainview.

Biglaaan nalang kasing nag alboroto yung tiyan ko tapos unli fart ang peg. Tapos masakit talaga yung tiyan ko, na para bang pinipisil yung lahat ng kalamnan ko. Hirap din akong dumumi. Kaya naging solution ko na bumili nalang distilled water sa convenience stores. Hindi ako makapag complain sa mga refilling stations kasi nakikita ko naman marami pa rin bumibili sakanila. Pero sobrang affected kasi ako. Bukod sa mas mahal yung mga tubig sa convenience stores, madalas na kong napapanisan ng pagkain kapag ginagamit ko sa pagluluto yung tubig nila, at kahit naman naistore ko na sa ref yung ulam. (Nagmmeal prep ako)

So nagexperiment ako. Since may iilang water refilling stations sa area, tinry ko lahat if mag rereact yung tiyan ko. And yes, positive. Same reaction sa lahat ng tubig. So ngayon, ang alam ko lang is may mali sa pinagkukuhan nila ng tubig, which is dito yun sa Mandaluyong. Di ko sure kung dahil sa ginagawa sa mga daan ngayon, pero possible naman diba?

Kayo ba? May na experience na kayong ganito? Or ano bang dapat kong gawin?

reddit.com
u/ElectronicPenguinPH9 — 22 days ago