u/Empty-Insurance4929

Garapal na employer

Taga Ilocos ako at nag wo work sa groceryhan. Papasok ng 7am hanggang 8pm minsan 8:30 pa ng gabi. Pag na late pumasok ,kaltas sahod sa 350 pag OT ni pisong dagdag wala. Wala rin benefits, wala ring breaktime. Pag badtrip and employer, damay kaming mga tauhan niya. Pwede ba tong i reklamo? Nag reklamo na kami dati sa employer namin tungkol sa sahod pero ang sabi niya naki seminar daw siya sa DOLE at sabi daw ng DOLE it's up to the employer kung kaya niya mag pa sahod ng minimum wage or hindi kaya sakto na yung sahod namin na 350. Pag pumasok naman kami ng 7am-5am, walang free lunch tapos 250 ang sahod! Please enlighten me kung ano ang pwedeng gawin.

reddit.com
u/Empty-Insurance4929 — 10 days ago