Should I get an intercom or just use my IEMs?
Meron kaming upcoming team building sa Antipolo. Although ayoko talaga sumama kase walang sense yung activity kung gagamitin lang yung time off namin kase di naman daw productive (pero kasama sa performance review LOL) kaya naisip ko ibreak in na lang yung motor ko tutal may makakasama naman ako mag motor papunta dun. nagsusuggest sila na may comms kami since first time lang din namin mag momotor magkasama tapos yung isang rider bagong hire lang din. Naisip ko mag discord or group call na lang (i think pwede naman kahit whatsapp na lang or gmeet kung kasama din yung mga naka sasakyan para at least may access thru our email).
Iniisip ko kung bibili ba ako ng intercom or yung IEM na lang gamitin ko. Natry ko naman na naka wireless IEM sa kanang tenga ko since mas rinig ko yung paligid sa kaliwa. Tinry ko din yung isang wireless earphone ko na classic style (yung walang buds), ok rin naman kaso issue ko dun yung sa mic kase di ako marinig or mahina yung voice ko due to experience na rin sa mga meetings. Ang issue ko naman dun sa IEM eh masyadong bumabara sa tenga ko, nawala na rin yung mga extrang goma ko para sana ipalit ko dun sa maliit na size
Wala ako masyado idea sa intercoms, ang alam ko lang kaya naman nya magconnect sa iba pang intercoms via bluetooth pero pwede rin ata magconnect sa phone. at yung magiging byahe namin pa antipolo eh thru group chat na lang kase alam ko walang intercom yung makaksabayan ko. Most of the time, music lang gagawin ko dyan. Im planning to do solo rides kapag may free time.
Stick na lang muna ba ako sa IEMs (or yung earphones) o bumili na rin ako ng intercom?