u/Excellent_Divide_471

RANT: Puta, ginawa nang tambakan ng basura ’yung Estrella-Pantaleon Bridge ng mga dugyot!

https://preview.redd.it/lo3ksijdxu1h1.jpg?width=828&format=pjpg&auto=webp&s=a20ba30122b6569f448d08c941b7f16067b516e8

Serious question: Bakit kung anong ganda at bago ng infrastructure, doon mas gustong magkalat ng mga salaulang Pilipino?

Gigil na gigil ako tuwing dadaan dito sa Estrella Bridge (Rockwell to Barangka Ibaba) bilang commuter. Kaya nga pinalawak ’yung sidewalk niyan para sa mga pedestrian at active transport, pero ngayon ginagawa nang open-air tambayan ng mga walang magawa sa buhay.

Gets ko naman na walang matinong public parks sa Mandaluyong kaya dyan sila nagpapalamig sa gabi kasi "relaxing" ang view ng skyline at may simoy ng hangin. Sige, hindi natin ipagkakait ’yung "freedom" niyo na tumambay dyan kasi public space ’yan.

PERO PUTANGINA? ANONG AKALA NIYO SA ESTRELLA BRIDGE, DUMPSITE NG INYONG PAMILYA?!

Simpleng CLAYGO na lang, hindi pa magawa ng mga bwisit na ’to. Nag-iiwan ng mga plastic cup ng milk tea, iced coffee, balat ng chichirya, at upos ng sigarilyo sa mismong bintana at railings ng tulay. Konting ihip lang ng hangin, ’yung mga basurang iniwan nila, diretso agad sa Pasig River. Konting self-respect naman o respeto man lang sa kapaligiran, pucha. Ang squammy ng ugali, nakakadiri. Pwe!

Dapat ba talagang lagyan ng guard o barangay tanod ’tong tulay na ’to 24/7 para lang matuto silang magpaka-tao? Delikado na nga sa safety ng mga naglalakad, ang dugyot pa tingnan.

Sino ba dapat ang rumesponde rito?

  • Barangay Barangka Ibaba? (Na nakasakop sa side ng Mandaluyong—anyare sa mga tanod niyo?)
  • MMDA? (Dahil national road/bridge ito, dapat may clearing operations at anti-littering team dyan.)

May CCTV ba rito o pang-display lang din? Sobrang kadiri niyo, seryoso. Kung nandito kayo sa sub na ’to at isa kayo sa mga nag-iiwan ng basura sa Estrella Bridge para lang mag-aesthetic post sa TikTok o FB, mahiya naman kayo sa mga balat niyo. Kupal niyo na, salaula pa.

https://preview.redd.it/lo3ksijdxu1h1.jpg?width=828&format=pjpg&auto=webp&s=a20ba30122b6569f448d08c941b7f16067b516e8

reddit.com
u/Excellent_Divide_471 — 5 days ago