2nd Hand Car dealership ORCR 4 weeks and still running
Bumili ako ng auto sa kilalang 2nd hand auto botique shop. Ang ganda nung kotse makinis at maganda manakbo. Ang ikinakainis ko, yung rehistro ng kotse ay expired last 2025 pa tapos yung dealership na binilhan ko 4weeks since release wala parin akong updated na ORCR.
Everytime na nanghihingi ako ng update palaging “wala pa sir” wala akong natatanggap na concrete update kung nasaan at sino na ba nag p process nung registration.
Hindi pa mabilis response nila pag nagtatanong ako.
Hindi ko sure kung makakatulong tong info na to pero for finance yung car
Normal ba na umabot ng ganito katagal process nila dahil may transfer of ownership ? Feeling ko overkill sa tagal tong processing time nila e. Hindi ko tuloy mailabas yung kotse. Nakaka stress
Update: Tatawagan ko yung bank na nag finance sakin tas sasabihin ko na unregistered yung nirelease nila na auto.