Ako lang ba ang concerned sa AI Data hub na dadating sa Clark?
Para malinaw: I AM NOT AGAINST THIS JUST CONCERNED. Malaking tulong ang economic opportunities, tech jobs, at foreign investments na dala nito. Pero as a citizen, concerned pa rin ako sa magiging resbak nito sa kalikasan natin, lalo na’t parang hindi alam ng karamihang Pilipino kung gaano kalaki ang physical scale ng mga Data Centers o AI Hubs na ito.
Ang totoo kasi, hindi porket "digital" o "tech" eh eco-friendly na. Mas malala pa nga ang epekto ng isang buong AI HUB kumpara sa standalone na data center lang. Heto yung mga hidden costs na dapat nating malaman:
- Grabe sa Carbon Footprint at Kuryente: Sobrang init ng mga AI servers at kailangan 24/7 silang may kuryente na walang patayan. Dahil umaasa pa rin ang grid natin sa fossil fuels, yung emissions ng mga specialized hubs na 'to eh pwedeng pumantay sa emissions ng isang buong malaking lungsod.
- Lakas Kumain ng Tubig: Para hindi mag-meltdown ang mga hardware, milyong milyong galon ng tubig ang kinakain ng mga pasilidad na yan araw-araw. Sayang kasi nawawala lang sa evaporative cooling yung tubig, na pwedeng maging direktang banta sa mga lokal na komunidad natin na nakakaranas na nga ng water scarcity.
- Bundok-bundok na E-Waste: Ang bilis ng upgrade cycle ng tech ngayon. Palit nang palit ng mga high-performance GPUs at computing parts, kaya grabe ang e-waste crisis. Dagdag mo pa yung pinsala sa kalikasan kapag namimina ng mga rare earth minerals para lang makabuo ng mga piyesa na yan.
Seryoso ang concern ko kasi ganito mismo ang nangyayari ngayon sa US:
- Virginia: Noong 2023, umabot sa halos 2 billion gallons ng tubig ang nakonsumo ng data centers sa Northern Virginia. 63% spike yun sa loob lang ng apat na taon, kaya bugbog sarado ang local water infrastructure nila.
- California: Mahilig magtayo rito ang tech companies dahil maganda ang tax codes at malawak ang lupa. Ang problema, halos two-thirds ng lahat ng US data centers na itinayo simula 2022 eh nakapwesto mismo sa mga lugar na may matinding krisis sa tubig.
- Ohio: Dahil sa sobrang taas ng demand sa kuryente, napilitan ang mga utility companies na i-delay ang pagpapasara ng mga maruruming coal-fired power plants para lang mapanatiling buhay ang mga servers.
- Tennessee: Doon sa Memphis, nagdemanda na ang mga civil rights groups tulad ng NAACP laban sa specialized AI data center ng xAI ni Elon Musk. Gumagamit kasi sila ng mga heavy-duty gas turbines para manatiling online, kaya diretso sa mga karatig-komunidad yung iligal na air pollution.
Sobrang concerned lang talaga ako sa kung anong mangyayari sa mga lokal na komunidad natin sa hinaharap. Sana maging mulat tayo rito at hindi lang puro hype sa balita. Ano sa tingin niyo?