




Cash or bank PO: Ayaw ba talaga ng mga ahente?
So may nakita akong AI post ng isang car agent. Title is kung ayaw ba talaga ng mga agents ang cash/ bank PO clients.
Na-shock lang ako sa comments ng ibang ahente.
Sinasabi nila na akala raw ng mga clients ay may commission sila sa CASH/BANK PO at akala raw ng clients ay paldo sila. Which I think hindi naman lahat. I think most clients understand na mas malaki talaga ang potential earnings ng mga ahente kapag in-house financing ang kinuha ng client.
Pero kasalanan ba ng clients kung maging matalino siya sa financial decisions nila?
Kung may sapat na savings ang isang tao para mag cash, bakit di niya gagawin? And kung mas financially practical naman para sa kanya ang mag bank PO with a bigger dp para mas mababa ang interest, bakit siya mag in-house financing na mas mataas ang interest?
Nakaka sad din na may mga agents na mino-mock pa ang cash or Bank PO clients dahil lang hindi sila binigyan ng tip, as if tipping is expected on top of the transaction.
May isang nag comment pa nga na mino-mock yung 500 tip na binigay ng client niya. Meron pa nagsabi na sana at least 5k man lang daw ang tip. Like, huh?
Hindi ba nila naiisip na buying a brand-new car is already a huge financial commitment for the client? We're talking about hundreds of thousands, if not millions, of pesos na pinaghirapan at pinag-ipunan. On top of that, may insurance, registration, and other expenses pa. Tapos parang obligado pa ang client na magbigay ng malaking tip?
Don’t get me wrong. I do give tips when the service is good or excellent, especially when the agent genuinely goes above and beyond their job.
Pero a tip should be a gesture of appreciation, not an obligation. Whether it's 500, 5k, or nothing at all, it should be entirely up to the client. Hindi dapat minamaliit ang halagang kusang ibinigay, lalo na kung hindi naman sya obligasyon in the first place.
At the end of the day, I understand that agents have their own financial interests too. Pero sana, clients are also allowed to make the decision that is best for their own finances without being judged or made to feel guilty for choosing cash or bank financing.