u/Fluffy-Estimate-1702

BUKLOD at ALYANSA na tuwing eleksyon lang nagpapakita

Funny how every election season, biglang sobrang visible ng BUKLOD at ALYANSA

Suddenly may pubmats, statements, projects, pakulo, campaigns, at kung anu-ano pang “student-centered initiatives.” Pero after elections? Tahimik ulit. Back to the usual cycle of performative activism at selective outrage.

Hindi rin convincing yung branding nilang “malapit sa estudyante”, "tayo ang simula" when a lot of their politics only become amplified kapag campaign period na. Ang daming orgs at students na buong taon namang gumagawa ng concrete work without needing election season para maging present sa komunidad.

At this point, valid lang naman siguro tanungin: genuine student service ba talaga ito, o seasonal visibility para sa boto?

reddit.com
u/Fluffy-Estimate-1702 — 3 days ago

To SINAG, Trauma Is Not Your Breaking News or Clout Chasing

Nauunawaan naman natin ang kahalagahan ng malayang pamamahayag. Mahalaga ang campus journalism, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa pang-aabuso at pananagutan. Ngunit hindi sapat na magtago ang SINAG sa likod ng “press freedom” habang kinalilimutan ang pananagutang kaakibat nito.

Nakababahala na sa gitna ng lahat ng ito, tila naging higit na mahalaga ang “breaking the story” kaysa itanong muna kung ano ang magiging epekto nito sa mga biktima. O mas pinili na lamang ba ilabas agad ang impormasyon alang-alang sa traction at moral grandstanding?

Masahol pa rito ang pagdulas ng ilang diskurso mula sa malinaw na usapin tungo sa pagpapalawig ng haka-haka, sensationalism, at moral grandstanding. Hindi lisensya ang pagiging publication ng SINAG upang maging bulag sa paghawak ng mga usaping may kinalaman sa sexual violence. Ang pagiging progresibo ay hindi lamang nasusukat sa tapang maglabas ng exposé, nasusukat din ito sa kakayahang magpakumbaba at umunawa kung kailan dapat magsalita at paano magsasalita.

Maging responsable tayo. Hindi tunggalian ang trauma ng mga biktima para sa political points at clout. Ang trauma ng mga biktima ay hindi scoop, hindi ito breaking news na kailangang unahan.

reddit.com
u/Fluffy-Estimate-1702 — 3 days ago