u/Forward-Statement203

Ako lang ba ang na-off sa ginawa ng katrabaho ko before our office mass?

For context, I work at one of the DPWH offices here in Davao.

A few minutes before our monthly office mass started, pauupo na sana ako sa dulo ng pew (yung malapit sa aisle) nang may babae na nasa likod ko na nagsabi ng, “Excuse me.” Since medyo makitid yung daanan, I assumed na makikiraan lang siya. So I stepped aside para makadaan sila. Paglingon ko, siya na pala yung umupo sa seat na uupuan ko sana, tapos yung kasama niyang lalaki umupo rin sa tabi niya.

Napa-wait… akala ko ba makikiraan lang kayo?
Tumayo pa ako sandali, hoping na baka mapansin niyang naghihintay ako at uusog siya. Pero wala. Diretso lang tingin niya sa harap. Ayoko namang gumawa ng eksena sa chapel, so lumipat na lang ako sa ibang bakanteng upuan.

A few minutes later, may nagsabi sa akin na dumating na ang Department Head. Doon ko lang nalaman na yung nalipatan kong seat pala ang usual niyang inuupuan. Tatayo na sana ako, pero siya pa mismo ang nagsabi na okay lang at umusog na lang ako para makaupo siya sa aisle.

Just to be clear, separate incident ’yon. Wala akong issue sa pagbibigay ng seat sa Department Head. Kung sinabi lang sa akin nang maayos na usual seat niya ‘yon, I would’ve gladly moved. Ang hindi ko talaga ma-gets is yung ginawa nung babae. Feeling ko ginamit niya yung “Excuse me” para mapaalis ako sa pwesto, tapos siya pala mismo ang uupo.

To be honest, sanay na akong may mga rude at feeling entitled na employees during office hours. Pero naisip ko, pati ba naman during mass? Nasa chapel na tayo, ilang minuto na lang bago magsimula ang misa, pero ganun pa rin yung asal.
It’s not even about the seat anymore. It’s about basic courtesy.

Ako lang ba ang mao-off sa ganitong situation?

reddit.com
u/Forward-Statement203 — 8 hours ago