Magtotopnotcher daw eh cheater naman - BS EnSe 4th year
i usually do not mind cheating. wapakels ako sa inyo. May pake ako, however, when every faculty in the ense dept considers a mediocre bro as the second coming of christ, to the extent of solely focusing on him during classes, and every, and i mean every, single subject bro gets glazed as “ay, ito yung magtotop diba?” Siya lang ang nakita kong nakatop ng board nang hindi pa nagtetake.
Nagsimula yun sa rcd. Galing ni baks, naka-one take. Ang di knows ng faculty na mej open-secret sa mga studyante eh siya at mga kaibigan niya’y may mahiwagang google drive ng past leakages that they refused to share to anyone else but their group.
May merit ang hard work nila, tbf. Hindi rin naman lahat ng gagong may leak ay nakakapasa. Napaputangina lang ako nung isang subject ko (di na toh rcd), nakikita kong may sinosolve silang problem na eksaktong eksaktong lumabas sa mismong quiz na i-tetake pa lang namin later in the day. As i said, usually wala akong pake sa ganyan, nagatungan lang talaga ng pangge-glaze ng mga profs na parang santong talino si bading. Also, pinagaralan ko yung fucking exam na yon.
Alam mong group nila ang highest noong quiz na yon? Tapos pinoint nung prof yung mga repeaters sa klase, “sila kasi di pumapasa,” grabe sobrang gigil ko nun.
To profs, siguro tantanan ang favoritism, pamamahiya sa mga repeaters, lalong lalo na’t di niyo rin naman alam pano sumakses yang bata niyo.