u/Holiday_Cry_8966

Kung wala na kayong amor sa mga Political Party, Then Vote abstain. Patunayan nating may power tayo over their propaganda. Patunayan nating kaya natin sila hindi ihalal.

Ito lang hah, kung ma failure of elections sila pwede sila mag apply sa same position (kasi di naman sila natalo e.g. IARFA & IE 2024), pero kung mananalo abstain laban sakanila di na sila makakapag apply kasi natalo sila ng abstain.

Tandaan ang katahimikan sa oras na may kaya kang gawin ay pagpanig sa masama. Wag na natin hayaang magtuloy tuloy pa ang mga walang katapusang pangako at propaganda nila taon-taon

reddit.com
u/Holiday_Cry_8966 — 16 days ago

Ngayong nakita natin na halos lahat ng slates na tumatakbo ay may bahid ng isyu—maging sa FEUCSO—hindi ba’t panahon na rin para magnilay tayo bilang isang kolektibong masa?

Marami ang natatakot mapunta sa posisyon kung saan maaaring ilabas ang anumang kwento tungkol sa kanila—totoo man o hindi, maganda man o masama—dahil alam nilang may mga taong basta na lamang maniniwala.

Kung kasinungalingan at black propaganda ang patuloy na mananaig, ano na lang ang magiging kahihinatnan natin paglabas ng pamantasan? Palagi nating ipinagsisigawan ang kahalagahan ng fact-checking, pero tayo rin mismo ang mabilis maniwala sa sabi-sabi kahit hindi pa ito napapatunayan.

Gumising na tayo, Tamaraws! Hindi pa ba sapat ang mga buhay na nasira dahil sa eleksyon, sa loob ng ilang taon? Mga pangarap na natuldukan dahil sa labis na pagka-ganid sa posisyon? Bigyan natin ng pansin ang karakter, kredibilidad, at mga plano ng bawat kandidato—hindi ang paninira at mga kuro-kuro na basta na lang pinapakalat.

Sa bawat upvote at bawat pagpapasa natin ng kwento, nagiging bahagi tayo ng problema. May kulay man o wala, sila ay mga lider-estudyante—mga taong pinipiling iharap ang sarili sa publiko. Nawa’y matuto tayo sa kanila na maging matapang: matapang na humarap, at matapang na magsalita nang may pananagutan. Dahil hindi tayo uusad bilang isang komunidad kung patuloy tayong magiging bahagi ng problema

reddit.com
u/Holiday_Cry_8966 — 18 days ago