Kumain kami now lang sa Romantic Baboy sa may Capitol Square, at first hesitant ako kasi last time na kumain kami dun e for me hindi masyadong sanitary yung place. Like madulas yung floor, yung cups nila medyo maoily. Though we really love yung Herb Samgyupsal and Moksal nila, yun kasi yung prefer namin sa samgyup hindi yung thin slices na pork belly. And dito sa Balanga parang sila lang yung alam naming nagcacater ng ganung cut/part ng samgyup.
So ayun na nga, since nagkacrave talaga kami sa thick slices ng samgyup, gumora na kami sa RB. And eto yung mga napansin namin:
✅ nag-advise agad si cashier ata yun na ang available lang is yung seasonal menu nila na 649 which is nice kasi informed agad kami
✅ set of side dishes ay masarap lahat and neat din yung pagkakaserve (yung kamote lang talaga yung matigas lol)
✅ very hands on and pro-active yung mga waiter nila sobrang bilis mag refill and naka abang talaga sila sa need ng customer, hindi mo na kailangan tawagin kasi literal na nakamasid sila sa kailangan mo (though 4 tables lang naman yung may customer but still)
✅ hindi oily ang floor and cups tapos maaliwalas yung place
✅ beef rib (seasonal menu) is 10/10!! Sarap yan shaaa
✅ yung lettuce nila fresh!! As in ang fresh and lutong pa haha
Naredeem ng RB ang sarili nila samin ng asawa ko 😂