Naka ilang motor na ako since 2021. I currently own a Yamaha PG-1 and a Honda Giorno+ pero bago ako dumating diyan, dumaan muna ako ng Honda Dio2 (2-stroke) tapos Benelli Panarea and then Yamaha Fazzio.
Super satisfied ako sa Yamaha PG-1 kasi bukod sa napaka poging motor, balewala pa mga lubak. Kayang-kaya ipang harabas. hahaha! Ito weekend bike ko. Going 2 years na siya sa'kin.
Okay din si Giorno. Wala akong masabi sa performance. Napaka tulin para sa 125cc na scooter (sisiw mag overtake), napaka lawak pa ng compartment and ang pinaka gusto ko, napaka smooth manakbo as in pinung-pino! Ito naman pamasok ko and minsan pang long ride din lalo na kapag need mag angkas. Going 7mos naman siya sa'kin.
Kaso lately, wala na akong ibang ginawa kundi magtingin ng pics at manood ng videos ng Vespa Sprint. Huhu. Dream scooter ko talaga siya since college. Kapag naka Giorno ako sa daan tapos may makakasalubong na Vespa, naiinggit pa rin ako 🥹
Siguro you're wondering bakit sa daming motor na dumaan sa buhay ko, 'di na lang Vespa binili ko? Siguro natatakot kasi ako sa gastos after bumili ng Vespa ;___; ang dami kong nababasa na mahal mag maintain, mahal parts etc. Natatakot akong pagsisihan ko lang din sa huli. Baka magsawa rin? (dream scoot pero magsasawa? sorry ang gulo ng utak ko) ;___;
Pagsisisihan ko lang ba sa huli? Masyado lang ba akong impulsive? I need your thoughts hehehuhu. If bibili ako ng vespa sprint 180cc, I have to let go of my Giorno ;; (3 is too much for me hehe)
PS. marunong pala ako mag DIY sa motor (change oil, kalikot parts/accessories, konting knowledge sa cvt)