Kailangan ko lang mailabas itong problema ko. Nag stop nako mag tapal system, lahat ng loans ko OD na, im earning 25k a month, may pinapa aral sa kolehiyo na dalawa at single mom. Si Home credit at Skyro, 1 month OD nag homevisit na, despite of contacting their customer service nag dispatch padin sila ng officer. Hindi nako mapakali kakaisip na baka pati Atome, CIMB, Sloan at Maribank mag HV din. Inuuna ko pa ngaun Home credit at skyro nagkataon lang na madami ako binayran this month kaya hindi ako nkapag bayad. Ang hirap matulog na may iniisip na baka biglang may kumatok sa pinto, ayaw ko naman na sa labas ng bahay kami mag uusap at laging nakatambay mga marites dito sa lugar namin. Actually, sa kanila pa nakapag tanong ung nag HV. Wala nako maisip na ibang paraan, since maysakit din ako, gusto ko man magtinda ulit online, wala naman ako puhunan, nakasanla pa ATM ko sa kaibigan ko. Hindi na din ako nagbabasa ng mga messages, because everytime I do, umaatake anxiety ko. Naka call blocker na din phone ko. Im so drowned at wala na halos ako sinasahod. Nawawalan nako ng pag asa🥺. Could anyone enlighten me mapagaan lang iniisip ko😥
u/Horror-Teach-3619
u/Horror-Teach-3619 — 25 days ago