u/Hot-Candy427

▲ 46 r/CarsPH

Make sure na may load RFID niyo!! 40 char

Guys, kingina naman. Araw araw ako dumadaan nang Cavitex-C5 express way and vice versa, ang lala nang holdup sa toll booth dahil sa nakikita kong negative balance. Akala ko nung una dahil sira scanner nanaman. Pero tuwing napapatingin ako sa kaharap or katabing booths, nakikita ko 80% walang load. Nag ne-negative balance. Tapos yung iba naman super dark nung tint, ayaw pa i-tap sa rfid reader kesyo nag hihintay pa nang mag aalalay sakanila tapos naiipon na mahigit 20 cars nag hihintay.

Lalo na pag uwian sa Cavitex entry galing roxas. Mapapa isip ka nalang talaga kahit ang daming toll booth, naiipon padin eh.

Juiceko naman pow, matuto naman po tayo tumingin kung may balance at mag top-up kung gagamit nang express way para hindi nakakahiya at abala. Mga naka ultra dark tint jaan na alam niyong hindi nababasa yung RFID niyo or may sira na talaga RFID niyo, i-ready niyo na agad card niyo para mabilis nalang please.

Nakakainis kayo eh.

reddit.com
u/Hot-Candy427 — 9 days ago